Ayokong lumabas nang bahay, nanghihina lang ako.
1 week akong nagstay sa bahay. Tapos na yung mga importanteng gagawin kasi nakapag exam na kami. Lectures nalang naman tong buong week kaya malakas ang loob kong umabsent. Tsaka wala talaga akong ganang lumabas nang bahay.
Si mommy ang nakipag usap sa school para iexcuse ako. Hindi ko na tinanong kung anong sinabi niya don kasi wala na kong lakas magtanong pa. Bahala na.
Nung unang dalawang araw after kong malaman yung about sa pakikipag sabwatan ni Lennon kela Lyka, nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak. May susi si mommy nang doorknob ko pero may lock ako sa loob kaya kahit anong gawin nila, hindi sila makapasok. Naisip ko din na ipapagiba ni mommy ang pintuan kaya hinarang ko yung aparador ko sa pinto tapos senigundahan ko pa nang kama ko kaya mahihirapan silang piliting buksan yung pintuan ko. Umiiyak si mommy sa labas at nagmamakaawa na buksan ko ang pinto kaya lang ayokong tumayo, gusto ko lang na umiyak nang umiyak. Ang sakit sa pakiramdam nung nangyari sakin. Sobrang.. haaay. Ayoko nang iexplain kasi naiinis lang ako.
Nahihiya ako kay mommy sa inaasal ko kaya nung umaga nang pangatlong araw kong pagkukulong, tinext ko siya at sinabi kong magdala nang pagkain, ready na kong ikwento sa kanya.
Nagdala siya nang pagkain sa kwarto, kasama niya si Lulu na nung una ay parang nagdadalawang isip pang pumasok sa kwarto ko. Kumain muna ako, ay mali, pinilit kong kumain kasi nagugutom ako pero wala talaga akong gana. Sinabi ko sakanila lahat nang nangyari nung gabing yun. Sinabi ko rin yung mga narinig ko sa CR, yung mga pagbabanta ni Lyka sakin. Sinabi ko lahat-lahat. Di sila nagsasalita, mas nahihirapan ako nun. Pero hinayaan ko sila kaya hinayaan din nila akong magmukmok pa nang ilang araw.
Kaya lang nung ikapitong araw na, Friday...
"Parang awa mo na Lyda Jane, lumabas ka naman nang bahay!!" sigaw ni mommy sakin nung niyayaya niya kong mamalengke pero ayoko pa din tumayo.
Nagulat ako sa sigaw niya kaya bigla akong napaupo sa kama ko.
"Mommy naman bigla-bigla ka nalang sumisigaw eeh. Nagugulat ako sayo." humiga ako ulit.
"Anak.. anong plano mo sa buhay? Magpakamatay sa pagiging tamad? Hinayaan na kita nang ilang araw, ang OA na pag pinatagal mo pa nang isa pang araw yang kaartehan mo." umupo siya sa paanan nang kama ko.
"Mi naman eeh. Alam mo naman na--"
"Oo alam ko! Pinagdaanan ko din yan! Anak naman. Alam mo, kung feeling mo wala kang ihaharap na mukha sa school dahil nagtagumpay sila sa plano nila sayo, mas pinagsasaya mo sila dahil sa pagkukulong mo dyan! Diba mas maganda ang dating kung papasok ka sa school na nakataas ang baba at ang kilay na parang sinasabi mo sakanila na, 'Who you?!' Diba mas ok yun? Mas magmumukha silang talunan kasi di ka affected!" napatingin ako kay mommy. Oo nga no.
"Wala kasi akong kakampi."
"Sino may sabi?" napanganga nalang ako sa pag pasok ni Mia, Macky at Dolly sa kwarto ko. Bigla silang nagtakbuhan at kinulong ako sa yakap. Natulala ako nang mga ilang seconds bago ako nakarespond sa yakap nila.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Araw-araw kami gumugora dito! Shungabels! Dehinds mo kami pinagbubuksan nang doorlalu mo! Ditech na kami tumira! Kalowka!" natawa ako kay Macky, namiss ko talaga sila. Ito talaga ang mga tunay kong kaibigan.
"Nako anak, nauubos ang stock ko nang pagkain kasi araw-araw sila dito." natatawang biro ni mommy.
"Ha?!!" sabay-sabay nilang pagtutol tapos nagturuan pa sila sino may pinakamadaming nakakain palagi. Haha. Nakakatuwa.

BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...