"Lyda! Ok ka lang ba? Bakit ka tulala dyan? Kanta ka na!" yaya sakin ni ate Alice.
"Sige te. Iisip akong kakantahin." sabay ngiti ako nang pilit.
"Kanina ka pa Lyda ah. Magtatampo na kami niyan." biro ni ate Aldeen.
Para hindi masyadong guluhin nila ate Alice at ate Aldeen, kinuha ko yung songbook at nag flip nang pages, kunyari naghahanap nang kanta. Pero hindi ko naman nababasa kung ano mga nakasulat. Nasa ibang lugar ang isip ko.
Ano na kayang nangyayari sa kanya? Kamusta na kaya si tita? Nakalabas na ba siya nang ospital o nakaconfine na? Tingin ako ng tingin sa phone ko. Nag aantay sa text o tawag na kanina pa hindi dumadating. Wala akong balita kay Lennon. Sobrang nagaalala na ko.
Nung yayain niya kong samahan siya kagabi, hindi ako nakasagot. Alam kong alam niya na may lakad kami nila Allen ngayon at alam niyang pinili ko si Allen nung hindi ako sumagot sa request niyang samahan ko siya dun.
Hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip kung ano na kayang kalagayan ni tita. Wala na kong natanggap na text o tawag sakanya after nung pag uusap namin. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko ngayon. Hindi ako makausap nang maayos kasi hindi nag fafunction ang utak ko nang matino. Sobrang napapraning ako.
"Andito na tayo." napatingin ako sa labas, nasa bahay na nga kami. Nakasakay kasi kami sa sasakyan nila Allen, dala namin yung Avanza nila kasi medyo madami kami. Kasama namin ang ibang pinsan nila Allen.
"Ay.. Mauuna na po ako sainyo. Salamat po sa gala! Nagenjoy ako." paalam ko sa mga kasama namin sa sasakyan.
"Babye Lyda! Kahit na mukha ka namang lutang buong araw." biro ni Ate Aldeen kaya nagtawanan sila. Nagsmile ako.
"Sorry po. May iniisip lang. Bawi ako next time." nag beso na ko sakanila pati sa ibang pinsan nila bago bumaba nang sasakyan.
"Antayin niyo ko, ipapasok ko lang siya sa sakanila." narinig kong paalam ni Allen nung bumaba ako sa sasakyan at sumunod siya sakin.
"Salamat Allen. Pasok na ko. Ingat kayo."
Hinawakan ni Allen yung kamay ko, "Lyda ko, alam kong di ka ok at hindi ko alam kung bakit. Kung.. Kung gusto mo nang masasabihan tawagan mo lang ako ah." tumango ako at binigyan siya nang ngiti.
"Sige na. Bye." tumalikod na ko kay Allen at pumasok sa bahay. Ayoko nang makita ni Allen yung mukha ko na nahihirapan at nagiisip maigi kay Lennon.
Dumiretso ako sa kwarto at hindi pinansin ang sinabi ni Lulu, "Da, namatayan ka ba?"
Naglock ako ng pinto at dumapa sa kama. Gusto kong matulog kasi feeling ko pagod yung isip ko. Pero walang antok, talagang pagod lang. Si Lennon pa din ang iniisip ko. Tama ba ang naging desisyon ko na hindi samahan si Lennon sa hospital at makipag enjoy sa mga kamag-anak ni Allen? Madalas sabihin sakin ni mommy, para malaman mo na tama ang desisyon mo, dapat magkaron ka ng peace of mind after mong magdecide. Pero parang buong araw wala akong peace of mind. Aligaga ang isip ko at hindi makapausap nang maayos. Ibig sabihin ba mali ang desisyon ko?
Nagulat ako sa katok sa pintuan nang kwarto ko, ayoko na sanang buksan kasi baka si Lulu lang yun at makikichismis lang sa naging lakad namin. Adik talaga.
"Anak, alam ko di ka pa tulog. Pwede ba kitang makausap?" nagulat ako sa boses ni mommy. Bakit kaya? Hmm. Binuksan ko nalang ang pinto at pinapasok siya.
"Bakit mi?" tanong ko nung dumapa ako ulit sa kama. Ayokong makita niya yung mukha ko. Naramdaman kong umupo si mommy sa paanan nang kama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/6514638-288-k449923.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...