Chapter 26

1.6K 34 1
                                    

Maaga akong sinundo ni Cream Lennon (haha) sa bahay para daw mas mahaba ang oras namin sa panonood.

"Ano bang movies mong available sa bahay niyo? Sana lang pinaghandaan talaga ah." binabantaan ko pa si Lennon kunyari habang naglalakad papunta sakanila.

"Of course! Alam kong reklamador ka kaya naghanda akong madami. San ka ba mahilig? Horror, Comedy, ahhmm. Action, Animation mga ganyan, ano pa ba? Chick Flick. Ano gusto mo?"

"Ang yabang, mukhang madami nga ah. Sige dun na ko mamimili." bago kami lumiko sa huling kanto bago yung bahay nila Lennon, napansin kong parang may nakasunod samin. Dahan-dahan akong lumingon sa likod, wala. Hmm. Bakit feeling ko may nagmamasid samin?

"Hui Cookies. Bakit?"

"Parang may nakasunod kasi satin." nakalingon pa din ako sa likod, tinitignan kung may sisilip sa likod ng mga poste.

"Wala yun. Tara na bilis sayang oras!" inakbayan na ko ni Lennon kaya naglakad na ko ulit. Nakakapagtaka naman yung naramdaman ko, ngayon ko lang nafeel na may sumusunod sayo eh, medyo nakakatakot pala.

Pagpasok namin sakanila..

"Mama mo?" napansin ko kasing mukhang wala nanamang tao sa bahay nila.

"Umalis ng maaga. May pupuntahan daw. Pero alam niyang pupunta ka kaya nga maaga daw siya aalis para makabalik agad." parang hindi maganda ang mukha ni Lennon nung sinabi niya ito. Bakit kaya?

"May problema ba kung maaga siya uuwi para maabutan ako?"

"Ha? Wala naman. Kaya lang si mama nangiintriga kasi. Haay." kinuha niya mga lagayan ng DVDs sa cupboard sa ilalim ng malaki nilang TV. "Pili ka na."

"Napanood mo na ba to lahat? Ang dami ah!" namangha talaga ako sa dami ng palabas. Mula luma hanggang latest andito. Haha.

"Medyo. Pero yung iba naman matagal na kaya limot ko na din ang kwento. Pinapadala kasi ni papa yan galing ibang bansa kaya madami at maganda ang mga kopya."

"Ahhh. Ok ito ang napili ko!" sabay abot sakanya nung DVD.

"Ito talaga? Ok. Kakanood ko lang nito. Kaw muna dyan prepare akong pagkain sandali." sinet up na niya yung movie at nag start na din siyang mag asikaso sa kusina habang nanood ako.

Nakakadalawang movie na kami nung biglang magsalita si Lennon na medyo malayo sa palabas.

"Cookies talagang inlove ka na kay Allen?" napatingin ako sakanya, medyo nagulat ako kasi diretso siya kung magtanong.

"Syempre. Since 1st year palang super crush ko na siya. Lalong nadevelop nung second year." tapos ngumuya ako ulit ng popcorn na niluto niya kanina. Meron pang flavor na barbeque.

"Ahh. Paano mo nasabing love na? Bata ka pa ah. Baka puppy love pa lang yan." nakatingin lang siya sa screen habang nagtatanong at patuloy sa pag nguya ng popcorn, so ganon din ang ginawa kong pagsagot sakanya.

"Wala naman sa edad ang pagmamahal. Para din sakin, wala namang makakapagsabi na totoo o hindi ang pagmamahal kundi yung taong nagmamahal lang at nararamdaman ko naman na totoo yung nararamdaman ko sakanya. Siguro nga bata pa ko, bata pa kami, hindi pa ganon kamatured yung pagiisip namin tungkol don pero alam ko na parehas kami nang nararamdaman." ang haba yata ng speech ko kasi napatunganga pa siya sakin bago kumain ulit at tumuon sa tv. Akala ko di na magtatanong ulit si Lennon pero madami pa pala siyang pahabol.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon