Chapter 27

1.5K 29 0
                                    

Sakto sa mga kabusyhan namin sa school ang di namin pagpapansinan ni Lennon. Sa totoo nga lang di ko alam bakit di ko siya pinapansin eh. Siguro dahil nahihiya ako sakanya? Bakit naman ako mahihiya? Kasi di ko siya hinabol nung gabing nagaway sila ni Allen? Bakit ko naman siya susundan? Kasi pinagtatanggol niya lang ako? Eh bakit niya nga ba ko pinagtanggol? Kasi bestfriend niya ko? Eh bakit kailangan naman umabot sa away yung pagtatanggol niya? Eh kasi.. di ko alam. Di ko alam bakit parang ang babaw lang naman nung pinagmulan pero lumala ng ganon.

"Huy. Anong meron?" nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko mula sa likod. Nakasilip kasi ako sa bintana habang nakaupo sa kama kaya nakatalikod ako sa pintuan nang kwarto ko na naiwan ko palang nakabukas.

"Oh bakit kayo nandito?" takang-takang tanong ko sa dalawa.

"Ah kasi may training tayo ngayon pero sa itsura mo parang wala kang planong pumunta? At super friends mo kami kaya gumorabels kami dito kasi na sensung namin na magiinarte ka? At unfortunately, korak ang pumping ng puso namin." paliwanag ni Macky. natawa ako sa pagkakasabi niya.

"Meron ba?" tanong ko at nagpatuloy sa pagnguya ng dingdong na bibili ko kanina.

"Ay wala girl. Kaya ka nga namin sinundo eh. Wala talaga." sarkastikong sagot ni Mia. Umupo siya sa kama ko habang si bakla naman ay parang nasa museum kung makatingin sa mga damit ko sa aparador.

"Girl, ang dami mo palang damit na pang rampa." sabi niya habang isa-isang tinitignan ang mga damit ko na nakasabit don.

"Padala lang yan girl. Bihira ko lang naman masuot, di mo naman ako katulad na rumarampa all the time."

"Girl ano na? Magbihis ka na please kasi ayokong malate." sabi ni Mia habang tinitignan yung mga pictures sa istante.

"Oh si Allen to? Wow ah may picture na pala kayo together?" napalingon ako kay Mia kasi kasalukuyan akong naghahalungkat ng masosoot.

"Oo. Itong bakasyon lang yan, family swimming nila yung pic na nakawhite ako tapos yung isang nakapink ako family swimming naman namin." paliwanag ko. Biglang bumalik sakin yung ala-ala na yun. Yun yung panahon na masaya kaming dalawa, masaya kaming nagbubuo ng plano na gagawing opisyal ang relasyon namin pagkagraduate ng highschool. Yung panahon na wala pa si Lyka sa mundo namin. Yun din yung panahon na wala pa si Lennon. Nalungkot ako bigla. haaay. Ang dami na din palang nagiba sa samahan namin ni Allen.

Akala ko ako ang magiging pinakamasayang babae sa mundo pag finally narinig kong sabihin ni Allen na girlfriend niya ko. Pero bakit nung marinig ko yun sakanya nung Monday, iba ang naramdaman ko. Lalo na nung sabihin niya yun sa harap ni Lennon. Parang hindi ako komportable. At hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nararamdaman ko talaga. Di ko na maintindihan kahit sarili kong utak at puso. Napaupo ako bigla sa kama ulit. Napabuntong hininga ako.

"Bakla, pwede ireserve mo yang pagddrama mo sa teatro mamaya? OA na eh. Malelate na tayo. Wala ka pa namang singbilis kumilos." sabi ni Mia na tumabi sakin nung mageemote na sana ako. Panira ng moment.

--

Isang reason din pala kaya tinatamad akong pumunta ngayong training kasi alam kong andon si Lennon. Mahaharap ko na ba siya? Ang bilis ng mga pangyayari, last week lang masaya pa kaming magkasama tapos isang linggo lang nakalipas ganto na agad. Hindi ko siya tinext or tinawagan kasi di ko naman alam kung anong sasabihin ko kung sakali. Wala din naman akong natanggap na kahit ano galing sakanya, text man o call. Kahit magkatabi kami nung nakalipas na apat na araw, hindi ko pa din siya nagawang kausapin. Haay. Kailangan ko na talaga tatagan ang loob ko. Sure na, kakausapin ko na si Lennon.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon