"Ingat kayo! Salamat mga bakla ah." sabi ko kela Mia nung paalis na sila sa bahay.
"Bye!" sigaw din nila pabalik.
Naiwan kami ni Lennon sa gate. Nilagay ko yung buhok ko sa likod nang tenga ko. Arte nang peg. haha.
"Una na ko Cookies." tapos nag smile siya. wew. Di ko mapigilang hindi suklian yun.
"Sige. Ingat Cream." nag-aalangan pa siyang umalis na di ko mawari.
"Huy." tapik ko sa balikat niya. Natatawa pa ko. "Natatae ka ba? Haha."
"Ha? hahaha. Hindi, sira. Alis na nga ko. Totoo na." tapos humalakhak siya tsaka tumalikod. Akala ko aalis na talaga siya pero ilang hakbang palang ang layo niya, lumingon siya ulit at bumalik sakin. Bigla niya kong niyakap nang mahigpit. Natawa pa ko pero yumakap din ako sakanya. Namiss ko to. Namiss ko talaga siya.
"Yayakap ka lang pala, ang dami mo pang paarte. Pwede mo namang sabihin. Haha." biro ko sakanya habang nakayakap pa din siya sakin.
"Namiss kita talaga Cookies. Parang ang tagal kitang hindi nayakap. Tagal kitang hindi nalapitan." sabi niya nung bumitaw na siya.
"Sige na! Umalis ka na nga." pero natatawa pa din ako. Nag dadrama pa to.
Umalis din naman siya nang nakangiti. Papasok na ko sa loob at sinasara ko na yung gate nung maalala ko yung nangyari kanina. Ganto kasi ang nangyari..
Nagulat ako nung pumasok si Allen bigla sa loob nang gate namin at dirediretsong kumatok sa pintuan. Sobrang takot na takot ako na baka maabutan niya sila Mia sa loob. Kasama nila si Lennon!!
"Andali Allen. Baka wala din naman si mommy dyan." hawak ko yung braso niya. Nakasara ang pinaka pinto pero bukas ang screendoor. Kung sakaling nandyan na sa loob sila Mia, pag kumatok kami tyak na kita agad ni Allen. Tyak ding dedbol kami.
"Ha? Anong wala pa? Diba magkausap kayo sa phone kanina? Kinausap pa nga si Mia." Awts! Observant nga pala tong si Allen.
"Kaya nga. Tumawag siya kasi wala pa daw siya sa bahay. Kaya di ko alam kung adyan na siya o kung may tao ba dya--"
"Hello insan!! Oh may kasama ka pala? Hi Allen! Long time no see ah." nalaglag nalang ang panga ko sa biglang pagbukas nang pintuan at sa overjoyed na greetings ni Lulu. Weird.
Gusto ko siyang sabunutan sa pag epal niya ngayon pero nung nagkatinginan kami saglit, nginisian niya ko. Di ko alam kung magtitiwala ba ko sa ngisi niya o kakabahan.
"Oh. Andito pala si Lulu eh. Andyan ba si tita?" tanong nang nakangising si Allen.
"Oo kanina pa! Inaantay si Lyda na dumating. Madami daw kasi siyang dapat ipaliwanag! Haha." pinangdilatan ko si Lulu na lalo lang tumawa. Ngumisi si Allen pero alam kong di niya yun nagets.
"Tara. Pasok." binuksan maigi ni Lulu ang pinto na kanina medyo nakaawang lang. Mabilis na umikot ang paningin ko sa paligid at tinignan kung nandito ba yung tatlo.
"May hinahanap ka ba insan?" bwisit na Lulu. Mapang asar talaga eh. Napatingin tuloy si Allen. Alam ko nag-iisip na to.
"Oo! yung tsinelas ko asan na ba?" iritado kong sagot. Kabang-kaba na ko sa mga nangyayari.
"Oh Allen napadalaw ka!" bungad ni momny nung bumaba siyang hagdan.
"Hi po tita. Kamusta?" bati naman ni Allen ns tumayo para salubungin si mommy at nagbeso.
Nagkwentuhan sila habang ako text nang text kay Mia na wag munang pupunta aa bahay. Walang reply. Silang tatlo na ang kinokontak ko pero puro walang reply! Nakakainis. Lalo akong natetense.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...