Chapter 13

1.5K 41 0
                                    

Sabay-sabay kaming magkakabarkada na nag enroll. Pero si Lyka ulit ang wala. Sabi ni Topher kahapon pa daw siya nag enroll, nauna na samin kahit na nagtext na si Topher samin last week na sabay-sabay na kami. 

"Sa tingin ko umiiwas si Lyka satin." bulong ni Dolly, nakapila kasi kami ngayon sa registrar. Yung tatlong boys naman nagkkwentuhan sa unahan namin. Mukhang di naman kami rinig.

"Palagay mo din? Ako nga din yun ang feel ko." sagot ko naman.

"Bakit naman kaya? Nung sa star city naman ok siya ah.. samin. ehe. Pero diba ok naman siya nun."

"Sa totoo nga Dolly di ko alam kung matutuwa ba ko o matatakot sa ginagawa niyang pag iwas satin. Kasi diba nagbanta na siya sakin na hindi titigil maagaw lang si Allen, ineexpect ko na lalo siyang magdididikit kay Allen, parang di naman niya ginagawa. Kinakabahan tuloy ako. Ano kayang plano niya?" nakwento ko na din kasi nung bakasyon kay Dolly yung nangyaring paguusap samin ni Lyka sa star city. Updated nga to sa mga pangyayari sa buhay ko araw-araw kasi di niya ko papatulugin hanggat di ako nag kkwento.

"Hmm. Ako nga din eh. Nung sinabi mo talaga sakin yun, feeling ko mas malala yung gagawin niya compare dun sa mga pinag gagawa niya kay Allen sa star city."

"Korak! Kaya medyo pinaghandaan ko din yun ah."

"hahaha! Anong ginawa mong pag hahanda?" natawa si Dolly sakin.

Natawa nalang ako sa pagkakasabi ko nun. Kasi parang susuong ako sa gera. Well parang ganon din naman kasi yung dineklara ni Lyka.

----------------------------------

Medyo matagal din kami sa pag eenroll. Ganto talaga sa mga public school, parang nagttraining na kami sa mas malalang enrollment pag college. haha. Nagstart kami nang 8am, alas dos na nang matapos kami.

Dahil wala kaming lunch, halos lahat kami lupaypay at gutom na. Kaya para kaming nanalo sa Lotto nang sabihin ni Topher na sakanila na kami kumain para makapag movie marathon din kami. 

"Sulitin na natin, 2weeks from now pasukan na ulit." wala nang arte-arte, sakay agad kaming apat sa sasakyan ni Topher. Siya na ang nagdrive kasi malapit lang naman, pag malalayuang lakad lang siya nagpapadrive sa family driver nila.

"May pagkain ba sainyo?" yun agad natanong ko. Grabe sobrang gutom na kasi ako. Mamaya magluluto palang diba. di ko na kakayanin! T_T

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon