Chapter 7

1.9K 47 1
                                    

"Siguro kung sasabihin mo na kay Allen ang reason, tutulungan ka niyang makipag ayos kay Lyka. Sa nakikita ko lang, sigurado akong di naman siya makikipag hiwalay? Wait kayo na ba?" -- Dolly

"Ewan. Hindi ata?" --ako

"Anyway, din naman siguro siya lalayo sayo pag nalaman niya bagkus ay tutulong pa. Sa tingin ko nga kung kay Allen manggagaling yun, maiintindihan na ni Lyka." -- Dolly

Napaisip ako dun sa sinabi ni Dolly. Kung sasabihin ko nga kaya kay Allen tutulungan niya ko? Lagi naman niyang sinasabi na kung anong pwedeng maitulong niya para magkaayos kami ni Lyka, gagawin daw niya. Kung sasabihin ko kaya gusto siya ni Lyka kaya nagagalit sakin, ganon pa din kaya ang maiisip niya? Na gagawin niya ang lahat para maayos kami? Paano kung ang hingging kapalit ni Lyka ay.. ay siya mismo? Gagawin ba niya?

"Class remember that I told you last year na bibigyan ko ng award ang pinakamagandang report? Well, gusto ko lang sabihin na yung labanan sa award ay para sa buong second year, hindi per section." pahabol ni ma'am History bago siya lumabas. Tapos na kasi ang 4th Periodical exam sa kanya.

"Bakit ganon maam!"

"Wala na kaming pag asa."

"Balita ko maganda yung sa section 4"

"Satin yan bet ko lang."

"Ang corny ni maam."

"Pinaasa mo kami maam!"

Hala nagkagulo na naman sa room. Sabay-sabay nagsasalita at nagcocomment. Trivia, kahit saan pong public school kayo pumunta, laging pinakamaingay ang star sections. haha. True yan!

"Quiet!! Wala naman akong sinabing by section before ah. Ang sinabi ko lang pipili akong best topic and best report."

"Eh ma'am di niyo din naman po sinabi na for the whole second year yun.!" sigaw ng isa kong classmates. aba nag palakpakan pa ang karamihan.

"Yes, but that's not an enough reason para mag conclude agad-agad. This is History Class not Science." hahaha. tawanan ang lahat. Oo nga naman may point si ma'am. Kaya lang aaminin ko, kala ko din by section. Masyado kasing madaming kalaban pag kasama ibang sections. Di naman namin nakita yung ginawa nila.

"Tsaka bakit ang OA niyo makareact II-1? Kung ginalingan niyo ang reports niyo and you gave your best for that, kahit kalaban niyo ang buong school di kayo kakabahan, kasi alam mong may laban ka." very well said ma'am. haha. Tameme tuloy ang section namin. Yan kasi ang iingay.. namin. haha.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon