Seven years. Wew.
Finally, I am home.
Yung dapat five years stay ko sa US ay inextend ko pa para matapos talaga ako sa pag-aaral. Iba kasi ang system nila nang education don kaya medyo mas mahaba yung sakin bago nakagraduate.
Nakashades akong bumaba nang eroplano at naglakad palabas, hila-hila ang maleta ko. Summer ngayon sa Pinas kaya alam kong mainit, kaya todo shades naman ako.
Hindi ko alam kung sinong sasalubong sakin, well I hope it's just my mum. Siya lang naman ang may alam na uuwi na ko.
Tumanaw-tanaw ako, hinahanap ko si mommy. Hindi ko na alam kung anong itsura niya. Sa phone lang kasi kami nagkakausap. Kahit uso na ang video chat, hindi ko yun ginawa. Natatakot ako na lumipad pabalik dito pag nakita ko si mommy.
Sabi niya sakin, nangungulit daw palagi yung tatlo sakanya. Sinasabi nalang daw niya na wala kaming communication. Nung una daw hindi naniniwala yung tatlo pero kalaunan, napagod din kakakulit. Dinadalaw naman daw siya nung tatlo, may mga trabaho na kaya medyo hindi na madalas.
Siguro nagalit or nagtampo sakin yung mga yun, magsosorry nalang ako pag nagkita-kita kami. Kailangan kong isakripisyo yung pagkakaibigan namin sandali para makapag isip ako, makapag unwind, malinawan nang onti, makalimot.
Nagulat ako nung biglang may humablot nang bag kong hawak at yung hila-hila kong bagahe. My God! May magnanakaw?
Bago pa ko makasigaw, meron nang yumakap sakin nang mahigpit.
"Bakla!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay-sabay silang sumigaw pero si Macky ang pinakamalakas! Kinuyog nila ako at nagtatatalon pa habang magkakayakap kami.
Naiyak agad ako. Kainis.
"Anong..? Paano niyo nalaman--"
"Syempre kay mother hen!" sabay turo ni Macky kay mommy na nasa likod nila. Di ko siya nakita kanina kasi yumakap agad yung tatlo.
Nakangiti siya pero nangingilid na ang luha sa mata. Pinuntahan ko agad siya at niyakap. God. I miss her so much.
"Mommy, namiss kita so much. As in super." sabi ko sakanya habang nakayap pa din ako.
"Ako din anak. Kamusta?"
"I'm good. Bakit andito tong tatlong to?" biro ko nung nagbitaw na kami.
"Ayaw mo ba?" nagdadrama nanaman si Mia.
"Of course not! I'm just kidding. So how's life guys? Na miss ko kayo talaga." nagyakapan nanaman kami at may kasama pang talon.
"Can we eat first and continue this later? Ang aga namin dito." ani Dolly.
"We have lots of chikas!" dagdag naman ni Mia.
"And.. we hunger!" nagtawanan kami sa sinabi ni Macky.
"Bobo pa din siya sa english." bulong ni Mia habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.
"Narinig ko yun Mia!" sigaw ni Macky mula sa likod. Nauna kasi kaming maglakad. Inakbayan ko si mommy at nakahawak naman ako sa braso ni Mia.
I was shocked to see kuya Donald on the driver's seat. We hugged.
"Namiss kita kuya ah."
"Ako din no. Pasalubong?"
"Andyan. Isakay niyo na kaya sa likod. Sayo ba to?"
"Yep. Second hand, but still good. Alive and kicking."
"No ka ba. Pre-owned din ang una kong kotse sa US. Macky, help them with my things!" nakaupo na kasi agad si Macky sa passenger seat. Innova ang sasakyan ni kuya Donald, nasa harap si Macky, nasa gitna kami ni Mommy at Mia, si Dolly nasa likod.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...