Chapter 32

1.3K 30 1
                                        

Bravo kay Mia, Dolly at syempre kay Macky. Job well done ang plano nilang Grand Entrance ko.

Maaga ako sa school, pero nagstay ako sa library tulad nang sinabi nila. Ok na din kasi nakapag basa-basa pa akong onti. Sisiguraduhin daw muna nilang nandon na lahat nang kailangan sa casting bago ako pumasok. Pauso talaga.

Halos wala nang tao sa library kasi nagsstart na ang klase, hindi pa ko tinitext nung tatlo. Medyo late din kasi pumasok ang first period teacher namin. Nagdecide na kong lumabas, medyo mapang mata na din kasi ang tingin sakin nung librarian, parang nagtataka siya bakit andon pa ko eh naguumpisa na ang mga klase.

Paglabas ko nagtext na din sila na pumasok na kasi nagaatendance na. D ang apelido ko kaya nagmadali akong pumunta sa room, baka di ako umabot!

"Dominguez?"

"Present!" sigaw ko na medyo napalakas. Sakto ako ah. Hinihingal pa ko nung pumasok ako mula sa pintuan sa likod. "Present." inulit ko nung malapit na ko sa upuan ko at medyo nakahinga na nang onti.

Ngumisi si Maam Math, "I like your new hairstyle. Good to know that your back." Nakatingin lahat nang mata sakin. Nag smile ako sa lahat nang matatamaan nang mata ko. May mga kumakaway pa at tumatango, kaya ginantihan ko ang mga iyon. Huminga akong malalim nung uupo na ko. Kung pwede lang pumikit para di ko makita yung mata niyang nakatitig sakin. Walang-wala yung mga tingin nang iba, yung kanya lang tiklop na ko. Pero pinilit kong alisin lahat nang ilang ko, kailangan kong maging matatag.

Umupo ako sa upuan ko nang walang kinikibo sa mga taong nasa paligid ko. Mas binibigyan ko nang atensyon yung mga nasa malalayo sakin na nakatingin. Masyadong mabigat yung tingin nung mga nasa malapit sakin. Wew.

"Lyda.." kinilabutan ako sa nagsalita at gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko nung haplusin pa ni Allen yung balikat ko. Bakit parang iba yung gusto kong kumausap sakin? Hindi ko alam kung lilingunin ko siya, pumikit ako bago ako tumingin sakanya.

"Yes?" gusto kong makita niyang ibang Lyda na ko. Ayokong makita niya na mahina ako. Namili na siya samin ni Lyka nung nakaraang linggo, at tanggap ko na yun. Tanggap ko ba? Bakit masakit pa din?

Nagulat siya sa tingin ko sakanya, walang emosyon. Walang kahit ano. Parang hindi ko siya kilala. Tulad nang sabi ni mommy, "Who you?"

"Pwede ba tayong magusap?" medyo lumapit siya sakin, inurong niya paabante yung upuan niya.

Tinignan ko muna ang nanlilisik na mata nang katabi niyang inggrata bago ako ngumisi.

"May klase pa." sagot ko sabay irap sakanilang dalawa.

"Mamaya. Pag tapos.. pag tapos nang ano.. nang klase." nakatalikod nako sakanya kaya nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.

"Bahala na." sagot kong walang buhay.

Nagrecitation kami sa math, kakaiba to. Magbibigay siya nang question tapos sasagutan mo sa blackboard kung kailangan. Buti talaga favorite ko ang Geometry kaya kahit wala akong isang linggo, advance na yung knowledge ko kasi talagang nagaadvance study ako niyan. Natawag ako at sisiw na sisiw yung tanong sakin. 'Define congruent? Give example.' Wala bang mas challenging? Kala ko naman may computation akong gagawin man lang or magsusukat nang malaking protractor sa board. Haha.

Nakakaexcite yung mga lessons sa mga sumunod na subject. Pero hindi ko alam kung bakit parang may kulang pa din sa pakiramdam ko nung matapos ang araw.

Oo napalaglag ko ang panga nang mga classmates ko, nainis ko lalo si Lyka at nasoplak ko si Allen nung hindi ko siya sinipot sa sinabi niyang lugar kung san kami maguusap after class.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon