Chapter 48

1.3K 39 0
                                    

"Ang babagal! Punyem--"

"Hep! Don't say bad words! Nakakawala nang positive vibes yan." tinakpan ni Mia yung bibig ni Macky nang hawak niyang traveling pillow bago pa niya matapos yung sasabihin niya.

"Tse ang baho nang unan mo!" inagaw ni Macky yung unan at hinampas sa mukha ni Mia na tawa nang tawa.

Nasa sasakyan na kaming apat, ako, Mia, Macky at Jana. Hindi kami masyadong excited kaya nauna kaming apat. Sadyang mababagal lang sila. Promise!Defensive.

Maya-maya pumasok na si Timmy dala yung hand-carry niyang bag.

"Ang bibigat daw nang bagahe niyo." she joked nung makasakay sa van.

"Asan ba sila? Bakit wala pa?" tanong ni Jana.

"Si Dolly kasama ni Ray na bumili nang pwede nating kainin on our way to the airport. Yung mga boys nagsasalansang nang bagahe. and of course, the primadonna is still on the bathroom having her rituals. Naiinis na kahit si Allen." medyo badtrip na din si Timmy kay Lyka ngayon. Kung nung lumabas kami nung nakaraan medyo di pa siya makapag comment kasi di pa niya nakakasama si Lyka talaga, kagabi tuluyan na siyang nabadtrip.

Naginarte kasi kagabi si Lyka. Our original plan, the girls will sleep on Topher's room while the boys will stay on the living room. She doesn't want to sleep with us, she wanted to sleep with Allen sa couch.

"Ang arte mo. Kami nga hindi namin katabi mga partners namin tonight tapos ikaw gusto mo katabi si Allen?" di na napigilan ni Timmy na sagutin si Lyka.

"Hindi din naman tayo kasya sa room kasi hindi naman tayo lahat ay slim." then Lyka looked at Timmy and smirked.

"Yeah. Kami lang kasi ang slim. Ikaw masyadong malaki.. malaki ang kapal nang mukha na sumama at malaki ang yabang sa katawan akala mo ang ganda!" at this point kailangan na silang pigilan. Kahit natatawa kami inawat namin si Timmy. Warfreak din pala to. Pinasok namin siya sa kwarto at sinabi sa boys na kami nang bahala kay Timmy na namumula na sa galit.

Pag lock ni Macky nang pinto, dahan-dahan siyang humarap.. at sabay-sabay kaming tumawa.

Sobrang lakas nang tawa namin na kinatok pa kami ni Topher para tanungin kung ok lang daw kami sa loob. Haha. Ang galing makipag talo ni Timmy at nakakatawa yung last niyang sinabi. Kahit halatang inis pa si Timmy, nakitawa na din siya samin. And that was the first night we girls, including Macky of course, had our best night ever.

Hanggang bago kami makatulog, nirere-enact pa ni Macky kaya natatawa pa din kami.

Medyo tahimik na siya pag gising namin kaninang umaga. Mukha siyang badtrip na ewan. Kami namang girls, napapangiti pag nagkakatinginan.

Nagtimpla ulit nang kape si Macky para may mainom habang isa-isa nang naliligo para mag prepare. Sabay kaming nagbihis ni Dolly kaya nalaman ko ang nangyari nung gabing nagsara kami nang pinto.

"Sabi ni Ray, inaway na daw ni Allen si Lyka nang tuluyan kahapon. Bakit daw kasi ang OA maka arte at nagsalita pa nang ganon kay Timmy. Hindi nga daw natulog si Allen eh. Hinayaan niyang matulog si Lyka sa couch mag-isa.. nang umiiyak. Ang arte naman kasi. Wala na sa lugar yung drama niya. Nagstay lang daw si Allen sa terrace." medyo naawa pa ko nang onti kay Lyka dahil sa sinabi ni Dolly.

Pero ngayong nakikita ko siyang papalapit sa van na akala mo prinsesang naka shades, nabadtrip nanaman ako. May something sa mukha niyang nakakabanas.

"Oh my God finally!" bulalas ni Mia.

"Well I just hope your driver's fast enough to get us to the airport before our plane leaves!" sabi ni Timmy.

Hindi na masyadong nagsasalita yung boys as they lifted our bags sa likod nang van.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon