"Mars! Kamusta?" bati nung tita Normie kay tita Alona na sumalubong din sakanya. Tumayo din naman kami bilang pag galang. Lumapit din sila Allen at ate Aldeen para magbeso tapos ako nag hello lang kasi di naman kami magkakilala.
"Kamusta na? Siya na ba ang anak mo?" tinuro ni tita Alona yung dalaga.. and what the heck??!!!! Natulala ako sa nakita..
"Hi po tita. Angelika po, Lyka nalang." tapos lumapit siya kay tita Alona para mag beso! Si Lyka pala yung childhood sweetheart ni Allen??? Nananaginip ba ko???!!!
Napatingin ako kay Allen, nakasmile siya at parang nagulat, pero still nakangiti pa din. >.<
Napatingin ako kay Lyka, talagang gulat na gulat ako. Nagsmirk muna siya sabay..
"Oooy Lyda!! Andito ka pala kela Allen?!" plastik peste. Biglang lapit sakin at beso kunyari. Pag lapit niya bumulong pa.
"Gulat ka no?" lalo akong nagulat sa binulong niya. Anong ibig sabihin niya dun? Alam niya na childhood sweetheart niya si Allen???!!
"Oh anak magkakilala kayo?" tanong ni tita Alona sakin.
"Ah-"
"Opo tita! Magbabarkada po kami sa school nila Allen!" todo ngiti si plastik. Napasmile nalang ako tuloy at napatango.
"So matagal na pala kayo magkakilala nito ni Allen?"
"Opo. Since 1st yr magkaklase kami." ngiting-ngiti talaga si Lyka.
"Tara dun tayo sa hapag kainan magkwentuhan para makapag miryenda na din." yaya ni tita Alona
Lumakad na sila papunta dun sa kainan pero parang napatulala pa kong onti. Grabe di ako makapaniwala.
"Lyda ko tara na andon na sila." tapos hinila na ko ni Allen papunta sa lamesa nila.
Naguusap-usap na sila ngayon, ako tahimik lang na kumakain. Si Allen medyo nakikisali sa usapan pero madalas ako yung kinakausap niya, siguro ayaw niya kong maOP. Habang nagtatawanan kami nang mahina, biglang nagsalita yung mama ni Lyka.
"So mare, si Lyda na ba yung future manugang mo?" napatingin kami sakanila. Nasa kabilang dulo kasi ako nang table. Nakasmile naman siya sakin at alam kong mabait siya kaya nagsmile din ako.
"Hopefully mare. Eh di ko naman hawak ang desisyon ni Allen. Pero manugang na din naman ang turing namin sakanya." sagot ni tita Alona. Wow naman. Parang natouch naman ako dun. :')
"Wow mabuti naman at ngayon palang eh nakikilala mo na nang maaga ang magiging daughter-in-law mo." -- tita Normie
"Oo naman. Eh kung sino namang ipakilala samin nang mga anak namim eh ok lang samin ni Fred. Wala kaming karapatang pigilan at diktahan yun" -- tita Alona
"Ahh. Sa bagay. Pero akala ko nung mga bata pa sila Allen, sila ni Lyka ang magkakatuluyan. Naalala niyo pa nung pinagpapartner natin sila?" wow lang. Astig bumanat si tita Normie, ok na sana eeh.
"Oo nga grabe! Ang cute nila nun. hahaha" dagdag naman ni tita Alona
"Pag tinatanong pa sila nun, lagi nilang sinasabi na papakasalan daw nila ang isat-isa!" -- tita Normie
"Umiiyak pa pag pinapatulog nang magkahiwalay! haha kukilit talaga" -- tita Alona
"At gusto din nila laging sabay kumain at maligo!!" -- tita Normie
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...