Chapter 14

1.4K 39 0
                                        

Sabay kami ngayong naglalakad ni Allen papuntang school, inantay niya kasi ako sa gate. ayyeeee. Actually gusto niya nga daanan pa ko sa bahay kanina, nakakahiya naman kaya sabi ko sa gate nalang.

Kinakabahan na naeexcite ako, ang daming naglalaro sa isip ko ngayon. Una sana magkatabi kami. Si Dolly kasama ko na ulit sa room. Sino mga magiging teachers namin. Tapos si Lyka. Yung plano ni Lyka. Yung mga pwedeng gawin ni Lyka. Baka magkatabi nanaman si Allen at Lyka! Wag naman po Lord!!

"Huy Lyda ko, bakit ka nakasimangot? Di ka excited?"

  

"ha? ah.. Ano. excited syempre!"

  

"Excited eh nakasimangot ka. Nga pala, yung classmate ko nung elementary nagtransfer dito, kaklase na natin. Papakilala kita pag nakita natin."

  

"Wow talaga? Sige."

  

Parang on-cue naman kasi meron kaming biglang nakasalubong at nakipag apir kay Allen.

  

"tol!"

  

"Kamusta pre?" halatang masaya si Allen ah. Siguro close niya talaga to.

  

"Ok lang tol. Papunta ka na ba sa room 'natin'?" diniin niya talaga yung NATIN. 

  

"Oo. Tindi mo nga eh, transferee lang pero nasa section 1. Iba ka talaga pre"

  

"ha! Syempre pre, iba na matalino." sus ang hangin naman nito. Kung gaano ka humble si Allen kabaligtaran naman niya.

  

Nakita niya ata na nag make-face ako nung sinabi niya yun kaya napatingin siya sakin bigla. Kanina kasi parang wala ako sa eksena.

  

"Ay pre, si Lyda. Lyda siya yung sinasabi ko sayo kanina, si Lennon."

  

"Hi Lyda, Lennon Joseph Eusebio." tapos inilahad niya yung kamay niya habang naka smile sakin.

  

"Hello. Lyda." sabay turo ko sa sarili ko tapos inabot ko ang kamay niya. Nagsmile na din ako kahit na yabang na yabang nako sakanya kanina pa. Baka naman sabihin ni Allen di ako friendly, kahit papano friend pa rin to ni Allen.

  

"So siya pala yung nakwento mo sakin last time." nakatingin si Lennon kay Allen pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Parang nakakahiya naman na higitin kasi ang higpit ng hawak niya. Ano ba to!

  

Napansin siguro ni Allen na hindi pa din binibitawan ni Lennon yung kamay ko kaya bigla niya itong kinuha at hinawakan. Nabigla si Lennon pero bigla siyang ngumiti ng mapanloko.

  

"Ok. Hmm. Mukhang binata na talaga pre ah. Well no wonder kahit ako siguro biglang magiging binata kung si Lyda ba naman ang kaholding hands ko. Tara." naglakad na si Lennon at sumunod kami ni Allen, habang mag kaholding hands. ^___________^

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon