Dala-dala ang lakas nang loob ko at desisyon, naisip ko na yung dapat kong gawin. Sa tingin ko ito ang tama, base sa mga pinag-iisip ko kagabi.
Sa sobrang pag-iisip ko nang mga plano ko kung paano ko magagawa yung naisip ko kagabi, di ko napansin ang dalawang lalaki na nakabantay sa gate at inaabangan ang pag dating ko. Bigla nalang nilang tinakpan ang bibig ko nang panyo, piniringan ang mata ko at dinala ako sa kung saan. Alam ko wala namang kaaway ang pamilya namin para may gumawa saakin nang ganito. Wala din naman kaming malaking pera para maipangpyansa saakin kug sakali. And hello, hindi naman ako mukhang anak mayaman para mapagkamalan. Eh bakit ako kinikidnap?!
Naramdaman kong pinasok ako sa isang kwarto at pinaupo ako sa isang armchair. Narinig ko ding umalis yung dalawang nagdala sakin kasi may nagbukas nang pintuan. Kaya lang parang nakalimutan nila akong talian sa kamay. Diba sa mga kidnap scenes tinatali muna ang bida bago iwan para macontact ang pamilya? Bakit ako hindi natalian? Epic Fail ba yun?
Dahil mukhang wala na yung mga kidnapers na hindi man lang tinali ang kamay ko, agad-agad kong tinanggal yung nakapiring sakin para makita kung nasan ako.
Nag adjust pa yung mata ko nang onti kasi medyo napahigpit ang piring nila, kinusot ko pa ang mata ko bago ko nakita kung nasan ako at kung sino ang nasa harapan ko.
"Kinidnap na kita para makausap ka nang sarilinan. Hindi ka na pwedeng tumakas kasi may bantay na sa pintuan. Kung sakali mang takasan mo ko ulit, kikidnapin lang din kita ulit hanggang sa makausap kita."
Huminga ako nang malalim. Ok, kinidnap niya ko para makausap. Just great.
Nakita niya siguro yung pag buntong hininga ko kaya bigla siyang lumuhod sa harap ko at pilit hinuli ang mata ko.
"Lyda, please. Makipag usap ka muna sakin nang maayos. Mag papaliwanag ako para malinawan tayo parehas. Please."
No choice na din naman ako, kaya sumagot nalang ako nang "Ok." Nakita kong ngumiti siya nang mapait at pumikit bago nagsalita ulit.
"Never nagiba ang pagmamahal ko sayo. Nagkataon na parehas tayong may nakausap na nagsabi nang magkasalungat na kwento kaya parehas nasira yung tiwala natin sa isat-isa. Pinagsisihan ko yung mga nasabi ko sayo nung huling beses na nagtalo tayo.. sorry dun. Alam kong nasaktan kita sa pagbibintang kong yun. Sorry. Pwede pa ba kong bumalik sa buhay mo?" nakita kong umiiyak na si Allen kaya pinilit kong itaas yung nakayuko niyang ulo. Nakapikit pa din siya kahit na medyo tinaas ko yung mukha niya para matignan siya.
Nanlambot ang puso ko. Naaalala ko yung Allen na naging crush ko nung 1st year, yung panahon na sinusulyapan ko lang siya kasi parang hindi naman niya ko mapapansin. Tapos nung naging close kami nung 2nd year kasi naging magkatapat yung upuan namin. Yung time na pinagtanggol niya ko sa kumag kong katabi at naging umpisa nang mas malalim kong paghanga sakanya. Nung naging magpartner kami sa reporting at mas naging close pa dahil sa pagtetextsan namin. Naalala ko din nung nasa Star City kami, nung nag 'I Love You' siya sakin nung sumakay kaming Star Flyer. Naalala ko din yung mga outing nang kanya-kanya naming kamag-anak kung saan sumama kami. Hindi pa kami official couple non pero parang naging 'kami' talaga nung mga panahon na yun. Ang sarap balikan nung mga pinagdaanan namin ni Allen. Ang sarap alalahanin yung lumipas na dalawang taon sa buhay namin. 4months lang ang nakalipas simula nung nag 3rd year kami, ang dami na agad nagbago. Sa sarili ko lang, ang dami nang nabago. At isa doon ay yung nararamdaman ko para kay Allen.
Pero hindi pwede eh. Mali kasi na makaramdam ako nang kahit anong pagmamahal kay Lennon kasi hindi naman totoo yung namagitan samin. Well, sakin lahat yun totoo, sakanya hindi. at yun yung masakit. Mas masakit pa sa imagination kong magiging mag-on si Lyka at Allen. Parang mas kaya ko yun.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...