Chapter 23

1.3K 28 0
                                    

Nakaupo lang kami sa rooftop nila. Dumiretso kami sa bahay nila kasi di ko pa kayang bumalik sa bahay. Masyadong maga ang mata ko at mapula ang ilong ko. Walang nagsasalita samin, kumakain lang kaming ice cream. Buti may stock sila. Nakakagaan pala nang pakiramdam to.

"Haaay. Sarap. Bitin." naubos ko na pala. haha. Sarap sa pakiramdam.

"Grabe, naubos mo na yung isang kilong ice cream bitin ka pa?"

"Oy! Kumuha ka pa dun no! Kaya mga kalahati lang din nakain ko."

"Nako Lyda, nakita mo lang kasing meron pa kaming ice cream kaya nagpaparinig ka dyan. Sus! Sisingilin na kita sa susunod mong kakainin no."

"Hahaha! Sira. Sabi ko kanina bibilin ko na eh, ayaw mo lang."

"Eh malay ko bang mauubos mo yung ganon kadami! Takaw mo!"

"Haha. Sarap kaya."

"Obvious Lyda." tapos tumayo si Lennon at inihaya ang kamay niya. Nagtataka ako pero inabot ko naman, hinila niya ko patayo.

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin pag tayo ko.

"Ahh... Lennon. Ano.." di ako makapagsalita. Ano ba to? Nakakagulat tong si Lennon! Di ko naman siya matulak kasi baka iba maging dating sakanya. Pero nakakailang. Alam ko yumakap ako kanina, pero kasi masama ang pakiramdam ko nun, umiiyak ako nun. Ngayon ok na ko eh. Parang ang awkward na..

"Lyda, di ko alam kung paano kasi kita tutulungan. Alam ko masama ang loob mo ngayon. Ice cream at yakap lang kasi ang maoofer ko sayo. Di ko pipilitin na sabihin mo sakin kung bakit ka nagkakaganyan, ok lang. As long as ako ang tatakbuhan mo at iiyakan mo at yayakapin mo sa tuwing nasasaktan ka, ok na sakin yun."

Natouch ako promise. Ang bait nang taong to. Niyakap ko din siya. Naiyak ako ulit. Bigla ko nanamang naalala yung dahilan kung bakit nga ba ko andito sa bisig niya. Naalala ko nanaman kung paano ako nasaktan sa ginawa ni Allen. Haaay. Lalaban pa ba ko? Oo dapat! Di pa nanalo si Lyka! Nagalit lang naman si Allen dahil sa attitude ko, pero alam ko na ngayon kung anong gagawin ko ngayon. She wanted to play it dirty, then I'll play her game.

------------------------------------

== 

**from sakin

Allen gusto ko lang magsorry sa nangyari kahapon. Kung nagalit ka dahil sa attitude ko towards Lyka, sorry. Di na mauulit. Pls. Bati na tayo. Wag la na magalit sakin. :(

==

Ang tindi ng text ko ah. Sobrang sakit sa puso ko habang tinatype ko tong msg na to. Para kasing binaba ko ang bandera ko laban lay Lyka. Pero ok lang, para kay Allen kakainin ko pride ko. Kahit pa alam ko namang mali si Allen sa pagkampi kay Lyka, mali si Allen na hindi ako pansinin para lang kay Lyka, mali si Allen na mas kampihan si Lyka kaysa sakin.. Mali siya!! Ako pa din ang magpapakumbaba kasi ayokong masira kami dahil lang hindi ako marunong magpakumbaba.

Ang tagal sumagot ni Allen. Nako, baka naman di pa convincing ang sinabi ko. Grabe lang ah! Ako na nga nagpakumbaba kahit pa hirap na hirap akong itype yung msg ko tapos di niya ko rereplyan? Kaasar tong si Allen. Lalo akong nasasaktan sa ginagawa niya eeh. Ireresend ko sana ulit nang dumating ang reply niya.

== 

**from Allen ko

Pasensya ka na sa inasal ko kahapon. Naiinis lang kasi ako sainyo nila ate, kawawa naman si Lyka walang ginagawa sainyo tapos pinagtutulungan niyo. Ano bang problema niyo sakanya? Gusto lang niyang mapalapit sainyo. Sana naman pagbigyan niyo. Sorry Lyda ko kasi nagalit ako sayo. Di ko lang talaga mapigil yung inis ko sainyo, nakisali ka pa kasi sa ginagawa nila ate. Pasensya ka na. Bakit mo ko iniwan kahapon? Bigla ka nalang tumakbo. Sinundan kita kaya lang mabilis kang nakasakay, bakit ka umalis? Ganon pa man sorry at salamat sa sorry mo. Magpatawaran na tayo pls? i love you. Wag mo na kong iiwan ulit nang ganon ah.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon