Chapter 3

2.5K 67 1
                                    

==

**from unknown number

Hi Ms. Panget. :))

==

Aga-aga naman ng text na to. Tinignan ko agad sinong nagtext. Nagvibrate kasi sa ulo ko yung cp, nahigaan ko pala to kagabi.

oh my!! Ang aga-aga pa nga pero nagising ang diwa at dugo ko sa message na natanggap ko. Kahit pa unregistered yung number, alam ko na kung sino to. ayeeeeee...

==

**from sakin

Oy sir panget. Kanino naman tong number na to?

==

Kinikilig pa ko pag send ko. haha. Maya-maya lang onti..

==

**from unknown number

Number ko to! Haha. Meron na kong cp! kunyari masaya ako. XD

==

**from sakin

wow! congrats panget! sa wakas tao ka na! 

==

Pag kasend na pag kasend ko ng reply sinave ko agad number niya.

"Sir Allen Panget"

==

**from Sir Allen Panget

haha! sira! matagal na kong tao no! haha. anong ginagawa mo ms. panget?

==

**from sakin

hahaha!

hay na ko. natutulog pa ko kanina bigla kang nagtext. aga-aga ah. excited lang?

==

**from Sir Allen Panget

medyo? haha. joke. sorry naman nagising kita. kasi kagabi pa ko bumili, este binili nila mama. kaya lang nung kukunin ko na sa cp ni mama ang number mo para matext na kita, lowbat naman siya. kaya yun, pag gising na pag gising ko, kinuha ko agad number mo. kaya maaga kita natext. tanghali na din kaya, bakit tulog ka pa kanina?

==

Ang haba naman ng reply niya! Kaya pala ang tagal ng pagitan ng sagot niya, haha, nobela pala!

Pero kinabahan na ewan ang puso ko after ko mabasa to. Anong isasagot ko? Ibig sabihin ba niya excited siyang itext ako? ayeee. ok ok. Wag masyadong feeling. Haay. wait, kailangan di obvious ang sagot ko na kinikilig ako. hahaha! Ok, naisip ko na sagutin nalang huling part ng text niya.

==

**from sakin

haha. ganon? Ang aga pa no! Linggo ngayon kaya pahinga day! Ang umaga extended hanggang 12noon. 9am palang kaya. sayang yung 3hrs! tsk. ;p

==

Pag pindot na pag pindot ko ng send button may dumating agad na text.

==

**from Sir Allen Panget

Ms panget asan ka na? Di ka na nagreply. :(

==

Hala! Excited much? Ayee. Grabe naman to, kailangan talaga sasagot agad. Natagalan kasi akong magreply kasi nga medyo nawindang ako sa last text niya.

==

**from Sir Allen Panget

Bakit tagal mo sumagot? kala ko ba text addict ka? hehe. Ano 12 ka pa dapat babangon? grabe naman. bumangon ka na para text text na tayo. :)

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon