Kahit gustuhin kong araw-araw na makasama si Allen, di naman kami magkasundo sa schedule. Dahil nasa star section, pugpog kami sa extra curicullar activities. Nagtawag nang meeting ang theater arts club kasabay naman ang meeting nang basketball team. Nagdecide kasi si Allen na sumali ngayong year sa basketball dahil na rin sa inpluwensya ni Topher at Ray. Hindi kasi sumali si Allen noong first year na nag try out sila Topher.
Andito kami ngayon nina Mia at Macky sa room 4 3rd floor nang 4th yr building, yep kasali silang dalawa since 1st yr. Kaya lang dahil dati di ko sila ganon kaclose, hindi kami nagkakausap masyado during trainings at di din naman kami masyado nabibigyan nang roles na magkakasama. Madalas naman kasi pag lower years extra lang sa mga play. Unless bata dapat ang bida.
"Para san daw ang meeting?" bulong ko kela Mia. Sila lang naman kasi nagbalita sakin kaninang umaga.
"Ma." sagot ni Mia.
"Ha? Anong ma?"
"Malay ko!"
"Ako girl alam ko." singit ni Macky
"Ano daw?" parehas naming tanong ni Mia.
"May play daw tayo sa December, para sa teacher's day. Ang bida dapat bading! So ehem. Knowing niyo na kung sino makakagetsung nang role." sabay hawi niya kunyari nang mahabang buhok niya.
"Yun nga ata bakla. Pero di ko nabalitaan yung gay role." sarkastikong sagot ni Mia.
"Meron! Watch and learn shungabels!" natawa nalang kami ni Mia.
Ang dami na namin sa room. Nasa unang row kami umupo. Ayoko kasi sa likod. Ang iingay nang mga second years eh. Baka di ko maintindihan yung sasabihin. Pag pasok ni Ms. Castro at kuya Donald nagtahimikan na din lahat.
"Kamusta. Hello hello. Sorry sa short notice nang meeting. Dapat kasi magaanounce kami per year kaya lang ginahol kami sa oras ni Ms. Castro."
"Anyway, kaya kami nagpameeting kasi meron tayong gagawing play sa December.."
"Sabi ko sainyo eh!" bulong ni Macky. "Shhh" tugon namin.
".. para yun sa celebration nang teachers' day. Ang common naman kasi nang usual nating ginagawa like papaakyatin ang teachers sa stage tapos magbibigay nang something ganyan, sawa na kami dyan eh." pagtutuloy Ni Ms Castro
"Kaya naisip namin ibahin naman natin ang way nang pag appreciate sa teachers, gawin nating play. Ilan tayo lahat ngayon?" tanong ni kuya Donald. Nagumpisa kaming magcount nang malakas tapos lahat-lahat ay 14.
"Ang onti na natin kasi nagsigraduate na lahat mga 4th years natin last yr. Anyway bago naman tayo magstart sa practice proper magoopen tayo nang auditions this coming saturday. San mga third years?" nagtaas kaming kamay tatlo tas may tatlo pang ibang nagtaas sa bandang likod.
"Oh ayan andyan ka pala Dada, ikaw mag facilitate sa lahat para mag announce per year. Kailangan matapos lahat. I mean dapat lahat ng class mapasukan niyo at mainform sa audition. Magdala din nang pack lunch. Hati-hatiin mo lahat Da para siguradong mapupuntahan lahat."
"Kuya san mga 4th years?"
"Baka di sila makajoin masyado kasi nga graduating, medyo madaming inaasikaso. Pero alam ko yung iba makakasama pa din sa trainings and sa play mismo. Kaya lalo natin kailangan magpa-audition."
"Ok." tumango ako sakanya. Yung dalawang katabi ko naman ang sama makatingin. Parang takang-taka sila na inutusan ako ni kuya Donald at bakit Dada ang tawag sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/6514638-288-k449923.jpg)
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomantikNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...