Chapter 5

2.3K 59 5
                                        

"Problema mo?" naiinis na tanong sakin ni Dolly. Andito kami ngayon sa garahe nila Topher. Dito kami kumakain ng lunch. 

"Ano?" sarap nguyain ng baboy na luto ng lola ni Topher. Sinigang! Sarap ang lambot.

"Hay na ko. Wag ka na magpanggap na di mo alam. Halatang halata ka."

"Di ko nga magets sinasabi mo."

"Iniiwasan mo si Allen!! sus."

Mula kanina sa school nung nag kita-kita kami, cold ang pakikitungo ko kay Allen. Di ko siya masyadong pinapansin kahit na lapit siya ng lapit sakin. Di ko alam, pero parang ito yung naging desisyon ko pag gising, wag masyadong maging close sakanya kasi nga si Lyka masama na ang timpla nung monday pa.

"Umiiwas lang ako sa masamang mood ni Lyka."

"Sus. Alam mo wag mo siyang isipin kasi andyan naman si Topher para ientertain siya. Hello."

"Ewan, parang ang sama na kasi ng timpla niya sakin eh. Yoko naman pag awayan pa namin to. Tsaka tignan mo, nung di ko masyadong pinansin si Allen kanina medyo sumaya siya. Di na nagtataray. Nakikipag biruan na siya."

"Alam mo kawawa si Allen. Kanina ko pa siya inoobserve. Parang di na din maganda ang mood niya nung di mo siya pinapansin."

Nalungkot ako, kasi nafeel ko yun eh. Hindi siya masyadong nagsasalita at nakikihalubilo samin pagdating dito. Kasi nga sa school palang di ko na siya pinapansin, ayun. Ayoko naman maging assuming na ako ang dahilan bakit siya ganon. Pero sa isang side ng isip ko, parang ako nga.

"Di naman siguro dahil sakin yun."

"Aysus manhid."

Kumain nalang ako. Maya-maya may text akong natanggap.

==

**from Sir Allen Panget

Lyda, galit ka ba?

==

Pinabasa ko muna kay Dolly bago ko nireplyan.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon