Chapter 42

1.1K 30 0
                                    

Chaos.

Kaguluhan.

Nagkagulo.

Nagkagulo ang puso at isip ko.

Nag away.

Nag away yung diwa at nararamdaman ko, hindi na alam kung anong tama. Bakit nangyayari. Bakit ako pumayag. Saan nang galing yung kagustuhan kong gawin to? Hindi, alam ko kung saan nang galing to, sa puso ko mismo. Alam ko sa isang sulok nang isip ko, gusto ko to. Ginusto ko to.

Wala na kong pakeeleam. Nakabukas pa ba yung kurtina at ilaw? Nakikita ba kami nang mga tao? Ano nang reaksyon nila?

Bahala na.

5 seconds. Mas mahaba pa yung pag ihi ko. Mas matagal pa yung pag hikab at pag iinat ko sa umaga. Mas mabilis pa to sa pagkurap-kurap ko pag napupuwing. Napakaikli lang kung tutuusin, pero bakit parang eternity.

Limang segundo lang ba talaga yun? Bakit parang ang tagal? Bakit sa limang segundo na yun nabuo na agad sa isip at puso ko kung sino talaga mahal ko? Ang bilis.

Mas matagal pa yung pagtitig niya sakin ngayon kaysa sa paghalik niya sakin kanina. Nakatingin lang siya sakin. Yung tingin niya nagpapakita nang halo-halong emosyon. Saya? Kaba? Takot? Pagtataka? Hindi ko mawari. Kasi kahit sarili ko hindi ko na din mawari.

Bumalik ako sa reyaledad nung naramdaman ko yung pag tapik sa balikat, ulo at likod ko. Umakyat na pala lahat nang cast dito sa stage. Bigla akong kinabahan.

Nakita ba nila?

Merong pumihit sa balikat ko para humarap sa audience. Biglang humawi ang kurtina na nagsara kanina para sa pag hudyat na tapos na ang Play, kasabay nang pagbukas nang ilaw.

Hindi ako makangiti nang maayos. Kami pa naman ang nasa gitna nang lahat. Ngayon lang kasi nag sink in sakin lahat nang nangyari. Lahat nang nangyari sa loob lang nang limang segundo. Oh no!!

Biglang hinawakan ni Lennon ang kamay ko na ikinagulat ko. Parang nakuryente ako sa hawak niya. Naramdaman niya yung gulat ko pero hindi niya ko binitawan. Nagkatinginan kami sandali bago niya itinaas yung kamay naming magkahawak, na ginawa din nung humawak nang kabilang kamay ko.

Oo nga pala! Mag ba-bow pa kami kaya naghawak-hawak kaming kamay. Sus.

--

Ang halik mo!

Namimiss ko!

Ang halik mo!

Namimiss ko, bakit iniwan mo ako! Oh.. oh... oh.. Ang halik mo!

Namimiss ko. Bakit iniwan mo ako. oh oh

Hindi ko alam kung nakita ba kami ni Macky na nagkiss kaya nang aasar siyang ganyan o talagang trip niya ang mga kantang pamutol-litid?

"Bakla! Ang panget wag ka na umulet!!" sigaw ni Mia. Nagtawanan naman ang iba habang si Macky walang pake at patuloy lang sa paghahanap nang kanta sa song book.

Andito kami ngayon sa bahay nila Ms Castro. Dito ginanap ang Victory/Christmas Party namin. Ok na din kasi last day nang pasok at bakasyon na simula sa Monday. Nagkakasayahan na ang lahat. Si Macky nga kanina pa nag coconcert. Pero ako? Wala. Lutang pa din ang isip.

Isang linggo na ang lumipas simula nung Play pero hindi pa din ako makaget-over. Yung huling linggo nang pasok namin wala akong maalala. Buti nalang hindi na nagturo mga teachers nun, puro assignments at projects nalang na ipapasa next year after nang Christmas Break.

Kanina sa room nag party din kami, wala yata akong sinalihan. Soooobbbbraaannnggggg nacoconcious ako. Bakit?

Hindi pa kami nag-uusap ni Lennon simula non. Kahit siya hindi lumalapit sakin. Nabigla lang kaya siya? Galit kaya siya sa nangyari? Nakakahiya. Pag naiisip ko na tinugon ko yung halik niya sakin, kahit pa napakabilis lang nun, feeling ko dun siya nagalit eh.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon