Di pa kami ulit nagusap ni Lyka. Magbabakasyon pa naman kasi Christmas break pero di pa din niya ko pinapansin. Oo kasama namin siya kumain, kasama namin siya pag nagyayaya si Topher mag movie marathon sakanila, kasama namin siya sa groupings sa room, kasama namin siya kapag may group study kami para sa mga exams... pero di namin siya kasama. Gets mo? Parang invisible siya. Andon siya pero wala ang prisensya niya. Ganon.
Nung una sinusubukan siyang kausapin nung mga boys, para sana makijoin siya pag nagkakasayahan kami, tutal naman magkakasama kami diba. Pero wala, deadma siya, with dead eyes and dead voice.
"Ayoko."
"Ok."
"Sige."
Laging one word kung sumagot. Di siya nagsasalita, di siya kumikibo. At nahihirapan ako kasi alam kong ako yung dahilan bakit siya nagkakaganyan. Ang hirap sa pakiramdam na alam mong nawala ang social relation ng kaibigan mo dahil sayo. Masakit para saking makita siya na laging tahimik at di nagsasalita. Namimiss ko yung kaingayan niya at pagiging bossy niya. Wala ng naguutos sakin na gawin to, gawin yan. Nasasaktan akong makita siyang ganyan. Parang kinukurot ang puso ko. Anong pwede kong gawin at sabihin para lang bumalik yung dating Lyka.
"Magusap kayo nang kayo lang." ang daling sabihin yan kung hindi ikaw ang nasa sitwasyon. Napakahirap lapitan ng taong pilit na lumalayo sayo, emotionally and physically. Pero di ko naman masagot yan kay Allen. Kaya pag sinasabi niya sakin to, tumatango lang ako.
Minsan gusto ko siyang lapitan. Kaya lang everytime napapansin niyang may plano ako, lumalayo na siya. Isipin mo yun ah, magkasama kami sa madaming lakaran kahit sa breaktime pero nagagawa niya kong maiwasan.
"Magbabakasyon na di pa kayo nagpapansinan. Bakit ba talaga?" naglalakad kami ngayon ni Allen sa quadrangle ng school. Breaktime kasi ng PE namin, eh sabi ni ma'am PE matatagalan daw siyang bumalik kasi pinapatawag siya ni Sir Principal para mapag usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa Regional sportsfest, kaya naglakad lakad muna kami.
"Sa totoo lang.." sasabihin ko ba? Ayoko. Kasi malalaman niya na siya ang pinagawayan namin. Ayoko mawala si Lyka, pero di ko din kayang mawala si Allen sakin kung sakaling lalayo siya para lang magkaayos kami. May pagka hero pa naman ang peg ni Allen, alam kong gagawin niya yun.
"Sa totoo lang ano? Pambitin to. Ano dali!"
"Excited? Sa totoo lang ano.."
"Ano???"
"Di ko alam!"
"Anong di mo alam?"
"Di ko ano.. ahmmm.. di ko alam bakit bigla siyang nagalit." >.< liar. liar. liar.
"Napansin ko naman medyo may topak siya eh. hahaha. joke lang. Yaan mo na aayos din yan."
"Haay. Sana nga talaga. Namimiss ko na siya." :'(
"Andito naman ako. :)" bigla niyang hinawakan yung kamay ko. ^_^
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak tapos tinignan ko siya. Naksmile lang siya at parang sinasabi na "ok lang yan."
Naginit na yung pisngi ko at nagwala na ang puso ko sa dibdib. May gulay!! Magkaholding hands kami ni Allen!!! Panaginip ba to. hahaha. Sobrang nakakakilig. ayeee..
Maeenjoy ko na sana ng buo ang moment kaya lang nakasalubong namin si Lyka. Nakita niyang magkaholding hands kami. Kitang-kita ko din yung galit, lungkot, asar at inis niyang mga mata na nakatingin sakin, samin. Napabitaw ako kay Allen. Di ko alam kung lalapitan ko siya or hahayaan nalang tulad ng madalas kong gawin pag naiinarte siya. Kaya lang nastroke na ata ako. Nakatingin lang ako sakanya at gusto kong magpaliwanag na wala naman yun at hindi naman ako ang unang humawak, si Allen! Kaya lang tumalikod na siya at tumakbo paalis, pero hindi nakawala sa aking paningin yung mga luhang tumulo sa mata niya bago tuluyang makaalis.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...