Chapter 38

1K 31 2
                                        

Tulad nang inaasahan nang lahat, dahil bati na ang love team, naging smooth ang unang (kalahating) rehearsal namin. Nag-uusap na kami ni Lennon nang mga dapat gawin. Minsan pinagpaplanuhan namin kung paano iaarte nang bawat-isa sa isang scene. Tapos si Ryan, Jona at Lea todo bigay na din. Nagsheshare din sila nang pwedeng gawin magandang gawin.

"Akala ko, pag bati na kayo mas magiging komportable ka sa mga daring scenes."

"Huy! Daring ka dyan. Ikaw bakla tumigil ka sa mga ganyan mo. Sweet scenes lang yun or.. ahmm.. lambingan scenes!" sabay tawa silang dalawa. Kasama ko pa din tong dalawa kahit madilim na. Nagtext kasi si mommy na dun na daw sila mag dinner. Ginabi na kami sa rehearsal.

Nagaayos na kami nang gamit at medyo madami na ding nauna saming umuwi. Inaantay ko si Lennon. Sinabi ko kasi kay mommy na bati na kami kaya ininvite niya din.

"Bakit? Naiilang ba ko?" tanong  ko habang nagtitiklop nang basang tshirt ko na ginamit ko kanina. Nakapag palit na kasi kami.

"Hello! Halata kaya! Although mas cute yung ilang mo kanina kasi namumula yung pisngi mo!" nang-aasar nanaman tong si Macky.

"Baliw."

"Pero bakla, totoo nga. Sobra kang namumula pag magkalapit kayo. Halata tuloy na may feelings!" nag apir sila ni Macky at tumawa nanaman.

Hindi na ko tumanggi, alam ko sa sarili ko na namumula talaga ako kanina. Nakakailang na nakaka-asiwa na nakakakilig pag mag-kalapit kami.

"Asan na ba si fafa Lennon?" sumulyap-sulyap siya sa bandang CR kasi kanina sabi niya samin mag hihilamos siya at magpapalit.

"Vain ang mga boys kaya matagal talaga." sagot naman ni Mia.

"Sundan ko kaya don para macheck ko siya." tinignan ko nang masama si Bakla. Alam ko naman kahalayan ang nasa isip niya.

"Subukan mo bakla nang itakwil kita." nakakainis tong si Macky, feeling ko--

"Feeling mo naman sinusulot ko sayo! Haha. Possesive! I love it!" Tsk. Nahiya ako bigla. Shocks. Feeling girlfriend naman ako. Yay.

"Di kaya." pero dahil super obvious naman sa mukha ko yung pagkapahiya, lalo lang silang nagtawanan. Kinikiliti pa ko tapos tawa sila nang tawa.

"Kinikilig ako girl! Yeeeeeee." parang nangingisay sa kilig tong si Macky. Natatawa na din talaga ako.

"Pero seryoso. Hindi ko maimagine na may kasama siyang iba. Ayokong may lalapit sakanya. Girl man o gay! Pag alam kong may interes sakanya, maiinis ako sigurado. Akin lang siya." at dahil sa sinabi ko, kulang nalang magpatiwakal natong dalawa sa sobrang kilig. Hahaha! Haaaay. Parang lalo akong nahuhulog sakanya. Pakiramdam ko sakin na siya.

"Wag ka mag-alala Lyda. Hinding-hindi ako magpapalapit sa iba. Sayong-sayo ako." jeez. Ayokong humarap dun sa nagsalita mula sa likod ko. Kinilabutan ako at parang pinagpawisan nang malamig.

Kitang-kita ko din ang takot at gulat sa mukha nung dalawa habang nakatingin dun sa nagsalita sa likod ko.

"I-ibig sabihin, narinig niyo yung usapan namin?" tanong ni Mia.

"Hindi naman masyado. Yung bandang dulo lang. Enough for us to hear Lyda being over possessive to Allen." gusto kong kwelyuhan si Topher sa napakaganda niyang statement. Hindi matanggap nang sistema ko na isipin nang kahit sinong tao na si Allen ang tinutukoy ko! Sa kabilang banda, ok na din kasi.. diba.. alam niyo na.. siya ang boyfriend ko. Eek.

"A-ah.. haha. Oo nga! Possessive talaga tong si Lyda sa mga taong mahal niya! Haha." sagot naman ni Mia. Nagtitinginan lang kami.

"Oh ano Lyda, ready ka nang umuwi?" tumabi si Allen sakin sa lapag, nakaupo kasi kami sa lapag nang quadrangle at dahil hindi ko siya nililingon, siya na ang tumabi para harapin ako.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon