Chapter 36

1.1K 30 1
                                    

Gusto ko nalang mag walk-out sa sobrang kaba.

Goodness.. kagabi pa ko di mapakali sa sobrang excited, kaba, saya o ano pa man! Hindi ko na maintidihan kung ano ba talagang nararamdaman ko.

Naglalakad na ko papuntang school, hindi ako sinundo ni Mia at Macky kasi may mga gagawin pa daw sila dun kaya dapat mas maaga sila. Rehearsal na namin ngayon, with blockings!! Gulay. Totohanan na to. Hindi na to basa-basa lang nang script, may actions na at hindi ko alam kung kaya ko pang maging professional pag malapit na sakin si Lennon. Weee.

Ang usapan namin kahapon, kailangan magkaayos na kami ni Lennon bago pa ang rehearsal para hindi ako mailang. Sana lang magawa talaga nila. Cross fingers.

Nagtext na sakin si Macky, kinausap na daw nila si Lennon at sinabi na nila na magusap kami. Kailangan magawa namin to.

==

**from Macky-Macky anone

Bakla!! meygerd! Pumayag na si fafa Lennon na mag-usap kayo. Alam mo ba excited siya! Lalo na kami!! haha. Bilisan mo!

==

"Lyda!" literal akong nagulat sa pag tawag sakin nang kung sino. Ang lalim pa naman nang isip ko. Nagmamadali na kong makarating sa school para makausap si Lennon.

"Uy Lyda! Bakit nagmamadali ka? Di ka pa naman late." jeez. Pwede bang matulog nalang dito sa kalsada? Kung kailan ako makikipag usap kay Lennon tsaka pa susulpot si Allen? Nice timing.

"Ba-bakit ka andito?" gusto ko na siya iwan dito at dumiretso na agad sa loob. Nasa gate na kasi kami.

"Training din namin." sagot niya habang ngiting-ngiti. Ano ba yan.

"Anong oras?"

"Maya-maya siguro. Dalin ko bag mo." medyo hinigpitan ko yung hawak ko sa bag ko. Naisip ko, paano pag nakita kami ni Lennon?

"Ha? Ano.. ahh.. wag na magaan lang to." hawak na niya yung dulo at hinihila to.

"Ok lang ano ka ba. Kailan ka pa nahiya ipadala sakin bag mo?" ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. "Sige na akin na."

"A-ayoko. O-ok lang." nauutal pa ko ano ba yan.

"Haay. Akin na. Nakakahiya naman makita nang mga tao sa loob na ikaw may dala nang bag habang kasabay mo maglakad ang boyfriend mo." Yeee. Kinilabutan ako sa sinabi niyang boyfriend. Di matanggap nang sistema ko. Weird. Kaya binigay ko nalang.

Sana di kami makita ni Lennon. Sana di kami makita ni Lennon. Please...

Hindi ko alam bakit pinapanalangin ko sa isip na wag niya kaming makita. Parang feeling ko nagtataksil ako sakanya. Yeew. Kakilabot din naisip ko ah.

Nung papasok na kami sa pinaka quadrangle kung saan kami nag ppractice, natanawan ko na si Macky at Mia. Tinignan ko maigi kung kasama nila si Lennon. Sana hindi.

Nakita nila ako at nanlaki ang mata nila nang makita kung sino kasama ko. Nag make-face ako. Hinanap ko din sa tabi nila si Lennon, wala. Haaay. Sana wala pa siya.

Hindi lang si Macky at Mia ang muntik nang himatayin nang biglang iabot ni Allen ang bag ko sakin sabay kiss sa pisngi ko. Shiz!!!

Wala sana akong reaksyon dun kung di ko lang sana nakita si Lennon sa likod ni Allen. Nakasandal sa pader at alam kong kanina pa kami nakikita. No!!!

"Sabay tayo mamaya ha? Galingan mo sa play! Love you." hindi ko siya tinitignan. Nakatingin ako sa mga matang kanina pa nakatitig samin.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon