Chapter 12

1.5K 40 0
                                    

Halos every other day nasa bahay ako nila Allen. Sinama pa nga nila ako sa swimming nila. Grabe lang. Kulang nalang talaga tumanda na kami para maging official na yung relationship namin. Yung pamilya niya sobrang tanggap ako at ganon din si Allen samin. Kaya lang mas mahirap kay Allen kasi niloko, ay maling term, tinakot pa siya ng mga tito ko nung unang beses na sumama si Allen sa family reunion namin. 

"Ikaw bata, anong trabaho mo?"-- tito ko

"ah. eh. Nag aaral pa po." -- Allen

"Nagaaral palang? Bakit ang lakas ng loob mong syotain to?" -- isa ko pang tito 

"Ahh. Hindi ko po siya syota. Getting to know stage palang po kami.. bata pa-" -- Allen

"Oh bata pa nga kayo bakit ganyan-ganyan na?" -- tito ko

"Gusto ko pa pong kilalanin si Lyda, kayo na pamilya niya, at siya din makilala ng pamilya ko bago pa man po kami humakbang sa susunod na stage ng buhay." -- Allen

"Ba.. Magandang sagot yan." -- tito ko

"Ok!! Welcome to the family!!" -- isa ko pang tito tapos inakbayan na nila si Allen at dinala sa iba pa naming kamag anak na nasa cottage.

Puro barako kasi sa pamilya namin. Apat na magkakapatid sila mommy tapos isa lang siyang babae bunso pa. Yung mga tito ko sobrang love si mommy kasi baby daw nila siya mula bata pa, kaya nung ipinanganak niya ko, nalipat lahat ng atensyon at pagmamahal nila sakin.

Nasa isang compound lang kami at karamihan sa pinsan ko kaedaran ko. Pero si Lulu ang pinakaclose ko. Yung dalawang tito ko na nanakot kay Allen sila yung pangalawa at pangatlo, yung panganay, si tito Bong, hindi sumali sa biro nila. Kasi nung ipakilala ko sakanya si Allen, nagusap lang sila ng seryoso sandali tapos ok na. Tong 

dalawa kong tito, si tito Jerry at tito Tom, makukulit talaga kaya pinagusapan nilang lolokohin si Allen, tignan daw nila kung papasa. Eh dahil sa sagot ni Allen kanina, mukhang pasado. :D

Nandito kami ngayon sa hagdan nung pool na pang bata. Nakaupo lang kami ni Allen sa unang step, kaya bahagyang nakalubog yung hanggang bewang namin. Kanina pa kami nakaupo at walang nag sasalita. Namamapak lang kami ng kornik. Kaya nagulat ako nung biglang nagsalita si Allen.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon