Habang naglalakad palabas nang compound nang school namin at iniisip kung saan ko uumpisahang hanapin si Lennon, tinext ko siya.
==
from: sakin
Cream asan ka. Please usap tayo.
==
Wala, hindi siya sumasagot. Walang reply. Uumpisahan ko nalang sa bahay nila.
Pagdating ko dun, nakita ko agad ang mama niya na nagwawalis sa labas.
"Tita! Si Lennon po?" hinihingal pa ko at pawis na pawis.
"Bakit ka humahangos anak?"
"Nagmamadali po ako. Hinahanap ko po si Lennon. Umalis po kasi siya nang school."
"Andyan siya sa taas. Masama daw ang pakiramdam niya kaya umuwi. May nangyari ba?"
"Meron po. Mamaya ko na po ieexplain. Kakausapin ko lang po muna siya. Ok lang po ba?"
"Sige akyatin mo na dun!" dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Lennon. Nakalock.
"Lennon. Si Lyda to. Usap tayo please." sabi ko habang kumakatok sa kwarto niya.
"Lennon please." wala pa din. Halos masira na yung pintuan niya. Nilakasan ko pa.
"Mageexplain ako Lennon. Please naman oh." umiiyak na ko. Alam kong hindi maganda ang dating nung tasks na yun sakanya, sabi nga nila Mia, sa unang tingin iisipin mong pinaglaruan ko silang dalawa. Nakakainis talaga.
"Lennon." nakaupo nako sa pintuan niya habang umiiyak. Alam kong nasa loob siya. Hindi niya lang ako pinapansin.
"Lennon, wag ka maniwala sa sinabi ni Lyka. Diba dapat mas naniniwala ka sakin? Diba dapat sakin ka magtitiwala? Makinig ka muna sakin please. Hindi totoo yung binibintang ni Lyka. Please." naubos na yata lahat nang tubig sa katawan ko kakaiyak pero wala pa din. Naramdaman ko nang may humaplos sa buhok ko. Nakayuko kasi ako habang umiiyak. Napatingala ako bigla.
"Iha, mukhang masama talaga ang loob niya. Palipasin muna natin. Halika sa baba." Malumanay ang boses ng mama niya, halatang nakikidalamhati siya sakin.
Bumaba kami at binigyan niya ko nang tubig para mahimasmasan. Ineexpect ko na baba si Lennon para makipag usap sakin. Pero wala talaga. Kahit nahihirapan akong magsalita, kinuwento ko sa mama niya lahat. Simula sa friendship, sa sabwatan, sa away namin, sa pagbabati namin, sa Play hanggang sa kumakalat nga ngayon sa school na issue. Sinabi ko sakanya na mahal ko si Lennon noon pa kaya lang hindi ko maamin kahit sa sarili ko kasi alam ko si Allen ang ka MU ko noon. Naintindihan naman ako nang mama niya. Medyo parehas sila ni mommy nang personality kaya alam kong hindi niya ko huhusgahan.
"Bata pa kayo. Marami pang pwedeng mangyari." yun lang ang sinabi nang mama niya after ko magkwento. Wala pa din si Lennon, di pa din niya ko binaba kahit na sinadya ko nang tagalan ang pakikipag usap sa mama niya.
"Uuwi na po ako."
"Sige iha. Pag pasensyahan mo na si Lennon ha. Nahihiya ako sa pinakita niyang ugali sayo ngayon. Nako--"
"Ok lang po tita. Ako din po may kasalanan. Pasensya na po sa istorbo. Bye po."
"Sige. Ingat ka."
Maga pa ang mata ko, hirap akong huminga at feeling ko pagod na pagod ako nung nagring ang phone ko. Pabalik na sana akong school.
ako: (Oh mi. Bakit po?)
mommy: (Anak may emergency)
ako: (Ha? Anong emergency?)
mommy: (Tumawag si Ate Ellen, naospital ang lolo mo.)
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomantiekNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...