Dahil sa gotohan session namin nung hapong iyon, nadagdagan nanaman ang barkada. Ang saya lang kasi ang bilis makibagay nang dalawang to samin lalo na sa mga boys. Si Macky lagi niyang kinukulit si Topher. Inaaasar din namin sila. haha. Ang saya kasi kung dati masaya na kami, mas masaya na ngayon! Buhay na buhay ang tambayan namin, movie marathon at eating sessions kasi para lang kaming nasa comedy bars! Grabe lang magpatawa tong dalawa. Talagang partners sila sa pagpapatawa. Dahil din sa pag pasok nila sa grupo, di na ko masyadong nabubully nung epal friends, pero ganon pa man di pa din sila natitinag sa 'Operation pang-aagaw kay Allen'. Lagi pa din silang may mga ginagawang kalokohan para masolo nila si Allen at maisama kay Lyka.
Madalas pa din na pag Sunday andon ako kela Allen. Tumutulong din ako sa water station nila. Ayos na yun kasi bonding na namin to ni Allen. Madalas ko ding makasama sa parlor ang mga ate niya, yun naman daw ang bonding time namin. ehe. Nililibre ako ng mga ate niya para masolo daw nila ako. Madalas naman nakikibalita lang sila samin ni Allen, nagpapakwento kung anong mga ginagawa ni Allen sakin kaya kinikwento ko naman. Pati mga keso lines niya, sinasabi ko din. Tawang-tawa sila kasi nakakapanibago daw talaga si Allen. At masaya daw sila sa nagiging takbo nang 'hilaw' na relasyon namin. Di ko naman nasasbi sakanila yung mga threats ni Lyka. Kasi baka sabihin nila kay Allen tapos pagtalunan nanaman namin, baka iba nanaman maging dating sakanya nun. FRIENDS pa naman sila. haaay.
"Lyda ko, napagod ka today?" andito na kami ngayon ni Allen sa bahay, palabas na siya kasi hinatid niya ko at nakapag pakita na kay mommy.
"Oo no! Pagbuhatin mo ba naman akong mga galon-galon na tubig eh!" biro ko sakanya.
"Sorry ah. Kaw kaya may sabing gusto mo tumulong! Sabi ko kasi wag na eh."
"ehe. Joke lang. Gusto ko naman talaga yun no. Kahit mabigat basta kasama kita, kering-keri!"
"Haha! Ang cute mo talaga! Uwi na ko."
"Sige babye! Ingats ka!"
Umalis na siya at pumasok na ko sa loob pagkasara ko nang gate. Napahinto muna ako sandali para kiligin. haha. Nakakakilig kasi yung mga ganong moments namin ni Allen.
"Hoy Dada!"
"Ay moments!!! Ano ba tito epal mo naman po eeh." bigla nalang kasi akong ginulat ni Tito Tom.
"Baliw ka na ba Dada at ngumingiti ka magisa?"
"Hindi yan baliw, INLOVE!" singit ni Lulu.
"Ay nako tigilan niyo kong mag tatay ah. Pasok na ko! Bye!"
Tapos iniwan ko na silang natatawa-tawa sa mga sarili nila.
Pagtapos ko mag goodnight kiss kay mommy umakyat na ko sa kwarto ko. Medyo malapit na ko sa pag tulog nang biglang may kumatok. Nako si Lulu nanaman to manggugulo.
"Bukas!" sigaw ko habang nakahiga pa din.
Bumukas ang pinto at sumilip yung kumakatok... si mommy pala.
"Oh mi bakit?"
"Anak pwede pa ba kita makausap, mabilis lang promise!"
"Sige po pasok ka." umupo na ko tapos binuksan ni mommy ang ilaw bago tuluyang pumasok sa kwarto ko at umupo na din sa kama.
"Kanina nga pala tumawag ang mga lola mo sa Bulacan, meron silang iooffer sayo." yung mga lola ko sa Bulacan ay side ni Daddy. Close pa din ako dun kasi kahit pa namatay na si Daddy, dumadalaw pa din kami dun ni mommy at dun ako nagbabakasyon pag summer. Di lang ako nagbakasyon ngayong taon kasi.. alam niyo na madami akong activity with Allen this year. ;p
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomansNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...