"Ganyan ka kasi mali-mali nanaman ang desisyon mo." bwisit kausap talaga tong si Lulu eh. Imbis na gumaan ang loob ko, parang lalo pa kong naaasar sa mga nangyayari.
Nagiinuman kami dito sa sala.
"Hindi pa ba kayo lasing dyan? Wala na kong stock nang iced tea dito!!!" sigaw ni mommy mula sa kusina. Haha. Yes, pinipilit kong malasing sa iced tea. Di naman kasi ako umiinom nang alak. Kaya iced tea nalang. Ubra naman kaso parang nahihilo na ko. Hahaha.
"Alam mo Lu, wala kang kwentang kausap." sabay lagok ko sa baso ko. Medyo natutunaw na kasi yung yelo, dapat nang inumin kasi tatabang.
"Haha! Hindi mo lang kasi matanggap na tama yung mga sinasabi ko."
"Wala kang tamang sinabi mula kanina. Tss."
"Gusto mo sabihin ko? Lasing ka na ba para manhid na ang puso mo pag narinig mo yung totoo?" bumabanat pa tong si Lulu nang mga ganon eh.
"Ang dami mong alam."
"Ok insan, para matigil ka na sa pag e-emo mo, sasabihin ko na sayo ang tunay na nararamdaman ng puso mo. Kilalang-kilala kita kaysa sa sarili mo kaya alam ko ang totoo." inirapan ko lang siya kasi kung ano-ano pinagsasabi eh. Mukhang mas lasing pa to sakin. Samantalang pinapapak lang naman niya yung mga ice cubes.
"Ready?" tanong niya.
"Bahala ka sa buhay mo." tapos sumandal ako sa upuan at pumikit. Tutulugan ko nalang tong pinsan kong tinamaan sa iced-tea.
"Una, crush mo si Allen, pinangarap mo lang siya dati kaya laking saya at gulat mo nung mapansin ka niya at mas matindi, nagkagusto din siya sayo. Walang kasing sarap sa pakiramdam na magkagusto sayo ang crush mo. Pangalawa, dahil nga nahibang ka na sa tuwa dahil may crush sayo ang crush mo, lalo pang nagigting yun kasi nagkaron ka nang karibal sa katauhan naman ni Lyka. Feeling 'against all odds' ang peg mo nun kaya lalo kang nahulog. Kumbaga umpisa palang, shoot na shoot ka na kay Allen." nginisian ko lang siya. Non-sense pa din sa pandinig ko mga sinasabi niya. Magsalita lang siya diyan, maya-maya lang din naman tulog na ko.
"Dumating sa buhay mo ngayon si Lennon. Si Lennon na una palang asar ka na. Hindi mo gusto ang kayabangan niya, meaning, hindi katulad ni Allen na una palang paghanga na ang nararamdaman mo. Yung kay Lennon iba." medyo nagigising ang diwa ko kasi nabanggit niya si Lennon.
"Naging magaspang ka kay Lennon, pero sa huli naging magkaibigan pa din kayo. Hindi ka nagpanggap sa harap niya. Lahat nang panget na side mo nakita niya at alam niya kasi nga hindi mo naman siya crush, hindi mo kailangang mag paimpress sakanya. Kaya ang nakita niya ay yung tunay na Lyda." this time dumilat na ko at humarap sakanya. Nagtataka ako at pilit nagtatanong sa sarili ko nang Ganon ba talaga ako non?
"Kailangan mong magpakitang gilas kay Allen kasi ayaw mong madispoint siya eh. Gusto mo magaganda ang nakikita niya sayo which is normal sa taong may gusto sa isa pang tao. Kaya lang, ikaw kasi may Lennon na laging andyan pag wala si Allen, at nandyan pa din kahit nandyan na si Allen. Hindi ko pwedeng husgahan si Lennon kung bakit siya nakipag sabwatan don kela Lyka pero ikaw kasi kilala kita at wala nakong dapat pang tanungnin kasi sayo palang sagot na lahat nang tanong ko."
"Ano?" yun lang nasabi ko after ilang sandali siyang tumigil.
"In short Lyda, unconciously ka nafall kay Lennon.." hindi ko na kailangan pang marinig yun kasi diba inamin ko na yun sa sarili ko noon pa?
"..at hard. Meaning, sigurado ako na mas mahal mo siya kaysa kay Allen. Yung way kasi nang pagkadevelop niyo mas ok kaysa kay Allen kasi ikaw ang unang nagkagusto sakanya." pahabol niya. Napatingin ako dun ah. Anong gusto niyang sabihin, mas mahal ko si Lennon? Eh bakit si Allen ang boyfrend ko.
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...