Chapter 16

1.4K 36 0
                                        

Lumipas ang isang buwan namin sa third year, ngayon 2nd month na.. of hell.

Lalong lumala yung pang bubully nang epal friends. At ganon sila kagagaling tyumempo at umarte kasi madalas hindi napapansin ni Allen yung mga ginagawa nila sakin. Ang masama pa, si Lyka, soooobrang plastik! Nakikipag usap na siya sakin as if we're ok now at we're super friends again. Nakakaasar! Ang galing maginarte! Tapos mas madalas pang ang nakikita ni Allen eh yung pag make face ko pag nakatalikod na si Lyka o kaya naman pag irap ko pag di siya nakatingin, at madalas namin tong mapag talunan.

"Lyda ko, di naman ok yung ganon. Nakikipag ayos na nga yung tao eh."

"Sus."

"Haaay. Lalo kang magmumukhang immature pag ganyan ka."

"Haaaay din."

"Tsk. Kumain na nga tayo, wag na natin pag usapan." tapos parang naiinis siyang umiiling-iling. Di ko lang masabi sakanya na plastik lang yun, nagpapanggap, nagpapahaba ng buhok para mapansin niya. Haay. Nakakainis.

-------------

"Alam mo Lyda, sabihin  mo na kay Allen kaysa ganyan ka." andito kami ngayon ni Dolly sa quadrangle. PE kasi namin ngayon tapos breaktime. Napagusapan namin na dito nalang kumain tapos yung mga boys ang bibili nang pagkain sa canteen.

"Kung pwede lang Dolly, kung pwede lang talaga." 

"Actually pwede. Ayaw mo lang."

"Hindi sa ganon, kasi.. kasi natatakot ako." haay..

"Saan?"

"Kasi sa madalas naming pagtatalo tungkol dyan, parang mas kinakampihan na niya si Lyka."

"Yun nga eh. Napapasama ka ng wala kang ginagawa!"

"Eh paano kung pag sinabi ko di siya maniwala?"

"Hindi ka niya mahal." napatingin ako bigla kay Dolly na ikinagulat niya. "Seryoso Lyda, kung mas paniniwalaan niya si Lyka at di siya makinig sayo, di ka niya ganon kamahal. Wala siyang tiwala sayo at sa mga sinasabi mo. Yun lang yun."

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon