Chapter 40

1.2K 29 1
                                    

Nag-hahanap pa din ako nang tyempo kung kailan ko pwedeng kausapin si Allen. Gusto ko asap. Gusto ko bago mag play. Para wala akong guiltness na nararamdaman during rehearsals at sa mismong play na din.

Ngayon ang unang araw na papasok ako na bati na kami ulit ni Lennon. Hindi ko alam kung paano ang magiging set up namin neto. Alam nang mga classmates namin na hindi kami ok at hindi sila ok ni Allen. Kung bigla nalang bumalik ang closeness namin, magiisip si Allen at malamang mag away na sila bago pa ko makipag hiwalay.

As usual, sinundo ako ni Allen sa bahay at sabay kaming pumasok. Wala pa din ako sa mood na makipag usap sakanya kasi pabalik-balik sa isip ko na one of these days makikipag break na ko.

"Serious mode pa din?" sabi niya sabay ngiti nung medyo malapit na kami sa school.

"Di naman. Sakto lang." walang kagana-gana yung sagot ko.

"Parang lagi nalang malalim ang iniisip mo. Iniisip mo ba yung friend mong makikipag break sa boyfriend?" napatingin ako agad sakanya at kinabahan. Alam ba niyang... ako yun? Ngumiti lang siya. Pero iba. Alam kong alam niyang ako si friend. Ako mismo yun. Jeez. Lalo akong nawawalan nang lakas nang loob na makipag hiwalay eh.

"Hi-hindi naman." nauutal pa ko. Ba yan.

Pag dating namin sa room, agad lumipad ang paningin ko sa pwesto ko. Wala pa si Lennon. Haay. Atlis mauuna ako. Makakapag pretend akong busy mamaya pag dumating siya.

Simula nung nangyari ang issue samin, hindi na nag-usap ulit si Lyka at Allen. Kapag umaga din or any vacant period, itinatabi ni Allen ang upuan niya sakin. Tulad ngayon, idinikit nanaman niya yung upuan niya sa upuan ko. Wala pa din si Lyka.

Pinag-uusapan namin yung ginawang essay sa English last week nung dumating si Lennon. Biglang pumintig ang puso ko. Papansinin ko ba siya? Babatiin? o dedma lang? shocks!

Tulad nang dati, hindi namin pinansin ni Allen ang presensya ni Lennon. Pero nacoconcious ako. Alam ko kasing andyan na siya. Naalala ko pa bigla yung pag yakap niya sakin nung sabado.

Maya-maya lang habang busy kami sa pag uusap sa iba pang lectures ni Allen, naramdaman kong may humawak sa kamay ko na nakapatong sa arm rest nang upuan ni Lennon. Hindi ako lumingon, pero natatakot ako na makita ni Allen. Pinipilit kong hindi magpahalata kay Allen pero napapangiti talaga at kinikilig! Ano ba yan!

Medyo hinarang ko ang buhok ko para di mapansin lalo ni Allen na hawak ni Lennon ang kaliwang kamay ko habang nakapangalumbaba yung kanan ko. Busy si Allen na tinuturo sakin yung lines na maganda dun sa tula na pinapakabisado samin sa Filipino.

Tango lang ako nang tango pero wala akong naiintidihan. Nakangiti ako kaya akala yata ni Allen natutuwa ako sa mga sinasabi niya. Pero ang totoo, wala akong magets at wala akong pakeelam. Bast hawak ni Lennon yung isa kong kamay. Haha.

Pumasok din ang first period teacher namin after ilang minuto kaya bumalik na si Allen sa pwesto niya at ako naman umayos na nang upo. Nakangiti pa din ako dahil sa kilig kaya napansin pa ko nang math teacher namin.

"What's wrong Ms Dominguez?" 

"Ahh. Nothing ma'am."

"You're smiling like you are.."

"Inlove!! Yeehheeee" tinignan ko agad sinong sumigaw. Si Macky. Nag apir pa sila ni Mia pag sigaw niya. Nang asar nanaman tuloy ang mga classmates kong showbiz.

"Wow. Now I know why you are always blooming." nakikiride naman si ma'am. Ang daming nang aasar. Ang daming nagtatapik sa balikat ni Allen. Bahala sila kung iisipin nilang si Allen yun, basta alam ko sa sarili kong si Lennon ang nagpapangiti sakin.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon