"Allen, ano bang problema niyo ni Lennon? diba friends naman kayo?" actually, hindi ito ang unang beses na tinanong ko ang same question na to kay Allen. Simula nung lumabas kaming school, hanggang ngayon na malapit na kami sa bahay, hindi pa rin niya ko sinasagot.
"Haay. Allen ang hirap kasi, nasa isang barkada lang tayo. Nagkakainitan kayo nang ulo ng walang dahilan."
"Merong dahilan." napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakanya. Huminto din siya pero nasa bandang unahan ko na siya, mga apat na hakbang yung layo niya sakin.
"Tara na, parang paulan na oh." tapos hinawakan niya ko sa kamay at nagumpisa kami ulit maglakad.
"Di ko ba pwede malaman yung dahilan?"
"Wag na."
"Eehhh. Bakit ba kasi?"
".........."
"Allen!"
".........."
"Haay bahala ka na nga." binatawan ko siya at nauna akong maglakad, medyo nasa tapat na kasi kami ng bahay namin. Bago ko tuluyang buksan yung gate at iwan na sana siya sa labas bigla niya kong niyakap mula sa likod. Nagulat ako.
"Hui Allen." yun lang nasabi ko sakanya habang nakayakap siya kasi bigla kong naalala yung sinabi ni mommy na wag magyakapan sa labas kasi baka makita ng kapit bahay. :p
"Lyda ko, wag mo kong iiwan kahit kailan ah." super cheesy!!
"Bakit naman kita iiwan?"
"Ewan. Basta wag ah." haharapin ko sana siya pero bumitaw na siya at hinawakan ang kamay ko, hinalikan ito ng marahan at sinabing.. "pasok ka na. Baka umulan na oh. Babye." *smile*
"Hmm. Sige. Uwi ka na. Ingat ka." pumasok na ko sa loob, nakita ko namang tumalikod na para umalis si Allen kaya sinara ko na ang gate. Haaay. Ang sarap sa feeling pag ganon si Allen. Bakit kaya? Bakit parang ang lungkot niya? Ok naman kami diba? Ok nga ba?
----------------------------------
Nakahiga lang ako sa kama, di ako masyadong makatulog, iniisip ko pa din si Allen at yung pagyakap niya kanina. Nakakakilig na nakakapanibago. Bakit kaya siya ganon? Nakakatakot baka may epekto na sakanya si Lyka. Pero wait, kung sakaling maging sila (ouch) sakit sa puso kahit isipin lang, ok wait. hmmm. Ok game. Kung kunyari nga maging sila, paano si Topher? Alam kong gustong-gusto niya si Lyka. Sabi niya samin diba? Napansin ko nga this past months, parang di niya masyadong kinukulit si Lyka at parang hinahayaan niya na maging close si Lyka kay Allen. Ganon ba mga lalake, nagpaparaya para sa kaibigan? Pero kaibigan din naman niya ko ah. Alam naman niyang may something kami ni Allen, di man lang ba niya pipigilan yun? Ganon ba niya kamahal si Lyka na kahit na masaktan siya at masaktan ako basta masaya si Lyka, masaya na siya? Hmmm. Kailangan ko siya kausapin.
Tumayo ako at tumakbo pababa sa sala, wala naman kasi kaming extension kaya isa lang yung line ng phone.
Dialing Topher's number
topher: (Hello? Bakit Lyda?) wow ah. Sila na may caller ID
ako: (wow alam ah)
topher: (syempre. oh bakit?)
ako: (may tatanong ako)
topher: (wala akong extrang pera)
ako: (adik! di ako mangungutang!)
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...