Chapter 25

1.4K 27 0
                                        

"Mommy.. sakit ng lalamunan ko." >.<

"Ngumata ka ba naman ng isang kilong ice cream! Ano bang trip mong bata ka? Inuman mo ng inuman ng tubig yan. Mamaya ibibili kitang calamansi juice. Basta ngayon puro tubig ka lang."

"Opo." >.<

Awww. Hirap magsalita. Kada salita at lunok ko sumasakit lalamunan ko. Nakalimutan ko kasing uminom ng tubig, tapos ang masaklap pa, pagdating ko dito isang masarap at malamig na iced tea ang ininom ko. Aray talaga. -_-

Nakahiga lang ako dito sa sofa, ayoko ng ganitong feeling. Pinakaayaw ko yung may nararamdaman akong di maganda sa katawan ko. Buti nalang sabado ngayon. Kaya lang nakakainis, meron kaming training ng theater ngayon eeh. Tsk. Ayoko pa namang umaabsent sa mga ganon. Mamaya mawala pa sakin ang magandang role. Aww. Third year na ko di pa ko nagkakaron ng big roles sa teatro! Ngayon na nga ang pag asa ko sana kasi di na bibigyan ng big roles ang 4th years kasi busy naman sila madalas at di kayang makapunta every saturday for trainings kaya siguradong kaming mga third year ang makakasalo ng mga pagpapalang yon, tapos wala pa ko!! Ampf! Iniiyakan ko na nga kanina si kuya Donald bago siya umalis...

"Kuya please! Gagamitin ko na koneksyon ko! Mag pinsan tayo!! Please naman pengeng big role! T_T" hirap pa ko magsalita kasi nga yung lalamunan ko.

"Ang drama mo Dada. Di nga lang ako ang mamimili! Andon si Ms Castro at kuya Jojie kaya kahit sabihin kong bigyan kang big role kung parehas silang di sasang-ayon, wala na kong magagawa don!"

"Kuuuuyyyyyaaaaaa!! Last chance ko na to!! Next year di na ko makakaparticipate masyado kasi graduating na ko!!! Kuuuuyyyyyaaaaa pppppllllleeeeeaaaaaassssseeee!!"

"Dada naman malelate na ko! Tsaka bitawan mo damit ko kasi lukot na. Sige na. Pumasok ka na nga! Nakakatakot yung boses mo!" tapos tinanggal na niya yung kamay kong lumulukot sa damit niya. Nung nasa labas na siya..

"Kuuuuyyyyyaaaaa Doooonnnnnaaaaaalllllldddddd! Bumalik ka! Kkkkkuuuuuyyyyaaa!!" with matching tears!

"Ang arte mo. Tiiiiiittttttaaaaaaaa si Dada po oh!" at umalis na siya. Kainis, di umepek ang arte ko. Ang sakit kaya sa lalamunan magsalita! Nagdrama drama na ko sa harap niya ayaw pa din! Haaaay.

Mga bandang tanghali nung tumawag sakin si Allen, break daw nila sa training ng basketball. Pupunta daw siya dito after dun. Ayyiiee. Ako na excited at kinikilig.

2pm naligo na ko at nag ayos ng onti, syempre may bisita ako. Dapat maganda pa din kahit may sakit. Haha. Nagluto pa kong instant carbonara, yung nabibili ngayong Nissin na yung carbonara parang pancit canton nalang kung lutuin. Astig no.

4pm meron ng kumatok sa gate. Inantay ko ng pagbuksan ng mga pinsan ko, maya-maya sa pinto na ng bahay kumatok. Eeehh! Excited much.

Ang lapad ng ngiti ko kasi excited na kong makita si Allen! Pagbukas ko ng pinto..

o_O

"Di mo ko papapasukin?"

"Pasok."

"Salamat, may ice cream ka din bang stock dito?"

"Anong ginagawa mo dito Lennon?" ano ba yan, baka maabutan pa siya ni Allen dito away nanaman!

"Disappointed? May ineexpect ka bang iba?" nakita ko parang malungkot siya. Nakakahiya naman kay Lennon, pag ako nagpupunta sakanila welcome na welcome ako.

"Hindi naman. Nagulat lang akong pumunta ka."

"Bakit nga? Dadating din ba si Allen? Siya ba ineexpect mo kaya halos mawarat na mukha mo sa sobrang ngiti kanina pag bukas ng pinto?"

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon