Chapter 2

3K 87 4
                                        

"Lyka, dun muna ako kela Ella sandali ah." 

"Ha? Ok sige."

Tumayo ako agad nung makita kong parating na si Allen. Di ko alam pero 2 weeks na ang lumipas after nung incident kay Roel pero hanggang ngayon di ako makamove on. At dahil di ako maka move on, nailang na ko ng todo kay Allen. Umiiwas na ko makipag usap sakanya hangga't maari, tapos pag dumadating siya, umaalis na ko dun sa dati kong pwesto pag umaga, sa harap ng upuan nila ni Lyka.

Madaming beses naman niya kong sinubukang kausapin kaya lang talagang nahihiya at namumula ako kaya gumagawa ako ng paraan para matapos agad ang usapan, o kaya naman no conversation at all. Alam ko parang nagtataka siya nung mga unang araw pero napansin ko na onti-onti din namang tumigil siyang mag try na kausapin ako.

Sorry Allen, baka kasi mahalata mo feelings ko. >.<

--------------------------------

Ilang araw na rin ang lumipas na umiiwas ako kay Allen. Nakakamiss siyang kausap at kakulitan. One time, napatingin ako sa pwesto nila ni Lyka nung narinig kong biglang sumigaw si Lyka ng malakas.

"Ano ba Allen?!" pero yung expected kong galit na Lyka ay tumatawa at namumula na. 

Wow. Ang saya naman nila. -.-

"Haha. Selos ka no?!" bwiset. binulungan pa ko ng Roel na to. Epal. Kumag. Haay! Yoko mang aminin sakanya at sa sarili ko, pero... nag seselos talaga ako. (__')

"Epal." yan lang nasagot ko kay Roel. Haay. Totoo naman kasi. At kahit na pampam tong si Roel, dahil sa bulong niyang yun, narealize ko ang isang bagay.. OA ng drama ko kay Allen, kaya OA na tuloy ang closeness nila ni Lyka. Dapat ako yung kakulitan niya, kung di lang ako nag inarte. aww. Kailangan makuha ko ulit si Allen!  >.<

---------------------------------

Nahihiya naman ako lumapit at makipag usap na parang walang nangyari. Kaya hahanap akong tyempo. hmmp!

"Nakakainis talaga si Allen. Ang hilig ikiliti sa tenga ko yung dulo ng buhok ko. Nagugulat tuloy ako." tuwang tuwang kwento ni Lyka nung nasa canteen kami. Halatang kinikilig ang loka. Well, kahit naman  ako kikiligin kung ganon ang gagawin sakin ni Allen.

"Tsaka nung nakaraan, bigla nalang akong kiniliti sa tagiliran! Grabe talaga!" sabay hampas sa braso ko. 

"Aray naman." siya na kinikilig. Di pa din ako umiimik. Patuloy lang ako sa pag kain ng palabok. Wala din naman akong masasabi sa mga kwento niya. Di ko naman siya pwedeng plastikin at sabihing natutuwa ako, eh hindi naman kasi. -.-

"Nakakakilig na ginagawa niya ah. Sa totoo lang talaga!" tapos sinasampal sampal niya yung pisngi niya ng mahina. Alam mo yung parang pinipigil niyang mapangiti ng sobra.

Nako, kailangan talaga maibalik ko na ang closeness namin. Nangangamba ako dito sa kinikilos ni Lyka, kahit pa sinabi niya non na wala siyang crush kay Allen, mahirap na.

Kaya pag dating sa room...

"Oy panget, peram ballpen." kinulbit ko siya tapos pinipigil kong di mahiya. Parang casual lang. Napatingin muna siya ng matagal sakin. Parang sinusukat niya yung mukha ko at parang inaantay niyang sabihin kong hindi naman siya ang kinakausap ko.

"Hui! Peram ballpen. Hala. Natulala?" binibiro ko pa siya kunyari pero sa totoo lang parang matatae na ko sa kaba dahil nakatitig lang siya sakin. Biglang kumunot ang noo niya at parang nag isip. Ops. Nakakakaba. Mamaya bigla niya kong sabihan ng "who you?". 

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon