Matagal na kong nakapag sulat nang article para sa school organ, kaya medyo nagiguilty ako nang purihin ako ni Allen dahil nakagawa agad ako nang limang articles sa isang gabi.
"Ang galing naman. Kaya pala napili ka ni Maam English kasi kaya mo talaga."
"Ha.. ano.. oo nga eh. Salamat sa pag remind." nginitian ko nalang siya at niyaya nang mabilis na maglakad papasok sa room.
Bago magstart yung firsr subject namin bumulong sakin si Lennon, "Meron kang nagawang article?" tinignan ko muna siya at nakaramdam akong disappointment nang onti (ha bakit?) bago ko siya sinagot. "Syempre!" masungit kong sagot.
"Haha."
"Anong nakakatawa eh di mo nga pinaalala." tapos inirapan ko siya.
"Eh bakit ko ipapaalala kung alam ko namang di mo makakalimutan yun. Tignan mo nga oh nakagawa ka, eh di ibig sabihin naalala mo!" at tumawa nanaman si mokong. Di ko lang masabi sakanya na pinaalala ni Allen sakin, mamaya malaman pa niyang parehas ko silang pinagbilinan.
May pinapagawang activity si Maam History, parang joint quiz kasi may mga questions siya na nakasulat sa manila paper at magkatulong kayong gagawa nang partner mo na masagutan yun. Pabilisan. Madali lang naman actually, may mga nakalista lang dun na mga bansa, capital, currency, language na blanko blanko, sasagutan niyo ang mga blanko at hahanapin mo sa world map yung sagot.
Sinabi samin na maghanap nang partner, sa totoo lang habang sinasabi na magkapartner, wala ako sa ulirat. Ang pumasok kasi agad sa isip ko, dapat ako ang mauna. Madami na kong nasagot sa quiz ni maam, inaantay ko nalang ang go signal para masulat yun sa papel ko. Kaya nga nagulat ako nang maglahad nang kamay tong dalawang lalakeng to sa harap ko at sabay pa sa pag sabi nang, "Partner tayo!"
Napatingin muna ako sa kamay nila bago sa mukha nila, ok, anong trip niyong dalawa? Napatingin ang iba kong classmates samin at may isang sumigaw nang, "Haba nang hair ni Lyda! Pinag aagawan!" nagsigawan na mga classmates kong uhaw na uhaw sa tuksuhan.
"Guys, wag na kayo magtalo, para di mahirapan si Ms Dominguez, si Ms Gamboa nalang ang partner niya at kayong dalawa boys ang magpartner." nagatawanan mga classmates ko at wala namang nagawa yung dalawa. Lumipat si Lyka sa upuan ni Lennon tapos si Lennon pumunta sa likod ko. Shemay. Pwede bang magsolo nalang? Kainis.
Ayokong magsalita habang gumagawa kaya sagot lang ako nang sagot, pero nakangisi lang tong katabi ko.
"Disappointed? Psh." parinig niya. Wala wala wala akong naririnig. Blah blah blah.
"Alam mo ang feeling mo din eh no, feeling maganda ka naman kasi pinagaagawan ka nung dalawa?" di ko pa rin siya naririnig. Blah blah blah blah.
"Ang saya mo siguro na nagaway yung dalawa para sayo? Malalandi talaga." di na ko nakapag timpi, tumayo ako at padabog na nilapag ang map at ballpen ko sa table ko. Nagulat din si Lyka pero napangisi.
Dumiretso ako kay Ms History at pinasa ang papel namin. Nakasulat dun ang name namin pero parang ako lang naman ang nagsagot lahat kasi wala siyang ginawa kundi magparinig. Bwisit. Buti nakayanan kong pagtiisan siyang katabi. Nakakahighbood.
"Aba. Guys tapos na si Ms Dominguez at Ms Gamboa. Bilisan niyo naman." paghahamon ni Ms History.
"Ma'am, labas lang po ako sandali ah. Bibili lang pong maiinom." paalam ko.
"Ok. After naman nito tapos na. Sige ok lang." lumabas na ko at wala akong nilingon sa mga matang sumunod sa paglabas ko.
Naiinis ako kay Lyka, onti nalang talaga mababangasan ko na siya. Pero atlis ok na din ang paglabas ko at ang sitwasyon ngayon. Magagawa ko na ang task number 3. Natatawa pa ko pag naalala ko yung title. COMFORT ME. haha. Kala mo kung ano eh. Ang task daw na to ay magpapakita kung sino sa kanila ang concern pag badtrip ako. Sino ang magaabalang alamin ang nangyari sakin at kung sino ang gagawa nang paraan para mapagaan ang pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...