Nag-init na talaga ang ulo ko sa nakita ko sa cellphone ni Allen. So magkatext talaga sila? Ggrrr!!
Napick-up naman siguro nila Mia na badtrip ako kaya hindi na nila ako masyadong pinilit na mag join sa mga kalokohan nila.
"Bakit di ka kumakanta Lyda?" bulong sakin ni Allen. Ngayon lang niya yata ako kinausap. Tinignan ko lang siya nang masama bago inirapan.
Nagulat siya sa ginawa ako, "Bakit? May problema ba?"
"Wala." matabang kong sagot. Gustong-gusto kong sabihin sakanya na siya ang pinoproblema ko. Bwiset silang dalawa!! Hmmp!
"Ano ba yan Lyda? Bakit parang ang moody mo?"
"Bakit ang dami mong tanong?" di ko na mapigilan yung inis ko. Di ko din napansin na nakatingin na sila samin.
Huminga siya nang malalim, "Lyda, kalma ka lang. Pagusapan natin nang maayos. Ano ang problema mo? Sige sabihin mo sakin."
Nakatingin lang ako sakanya, tinitignan ko pa kung dapat ko na bang sabihin sakanya yung mga alam ko sa plano ni Lyka na sirain kami? Baka naman kasi iba pa maging dating sakanya. Tsk. Biglang nagring ang phone niya. Nawala saglit yung pagtitig niya pero hindi pa niya agad sinagot ang phone. Nagriring pa din.
"Sagutin mo na nga!" nakakainis kasi ang ingay nang tunog. Lalo akong naiirita.
Huminga ulit siya nang malalim bago yun sagutin.
Allen: (Hello ma?..... Opo andito kela Mia.... Ganon?...) tinignan niya muna ako bago sumagot. (Sige po..)
Hindi ko na siya tinignan, parang ayokong malaman kung ano mang pinagusapan nila nang mama niya.
"Lyda.. Pinapapunta na ko nila mama at papa kela Lyka." Tsk. Di ko na napigilang umiyak. Nakakainis. Sabi ko na nga ba eh.
Nakita ko yung takot at gulat sa mata niya nung makita akong umiiyak.
"Lyda.. Bakit ba? Bakit ka umiiyak? Lyda naman." hinihimas niya yung balikat ko. Di ko siya tinitignan. Naiinis lang talaga ako sakanya. Naiinis ako sa sitwasyon. Naiinis ako lalo kay Lyka!
"Wag kang pumunta." sabi ko sakanya pag kapahid ko nang luha.
"Ha? Ano?"
"Wag ka pumunta kela Lyka." Ramdam kong gulat siya sa sinabi ko.
"Please Allen." pagsusumamo ko.
"Bakit? Bakit ayaw mo kong pumunta don?"
"Basta. Ayoko."
Matagal kaming nagtititigan, pati mga kasama namin nakatingin lang. Nagaantay sa mga susunod na mangyayari.
"Lyda.. Pinapapunta ako dun nila mama. Tumawag na at inaantay na ko dun. Sila ang nagpapapunta sakin."
"Sino may gustong pumunta don? Ikaw o sila? Yung totoo." hindi siya tumitingin sakin. Nasasaktan ako kasi feeling ko siya mismo ang may gusto.
"Lyda.. Please naman. Wag na nating palalalin pa to. Pupunta lang naman ako dun para sumunod kela mama. Walang ibang ibig sabihin yun. Bakit big deal sayo?" parang naiinis na siya sakin.
"Big deal sakin yun! Oo sayo walang ibig sabihin yun pero kay Lyka iba ang ibig sabihin non!"
Nakita kong nagtataka yung mukha niya sa sinasabi ko. Anong ibig sabihin nito? Hindi man lang niya nararamdaman na yung mga ginagawa ni Lyka ay obvious na mga hakbang niya para sirain kami?
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...