Author's note:
First story ko po ito, at maraming salamat kay reydaligdig sa pag follow. :')
Atlis may isang nagkagusto sa gawa ko. XD
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ayoko na!!! Ayoko na!!!!" ang lakas sumigaw ni Ray grabe! Kasalukuyan palang kaming sumasakay sa star flyer. Sa harap namin ni Allen nakapwesto ngayon si Dolly at Ray na pulang-pula na at mapapatid na ata ang litid kakasigaw.
"Please lang po!!!! Ayoko na pala!!!!" natatawang naaawa ako sakanya. Imagine tahimik lang siyang tao pag magkakasama kami pero ganito pala siya makareact sa rides! hahaha. epic ang mukha niya.
"hahahaha! pre kasama yan sa pag laki!" sigaw ni Allen.
"Ang weak mo! hahaha!!" ang saya talaga ni Topher. Nakitawa pa kay Allen.
"Uulitin natin to Ray!" aba nakisigaw pa si Lyka. Ok na yata talaga to. Kanina pa kasi nakikipag biruan samin eh.. ay mali.. sakanila pala. -_-
"hahaha. Kaya mo yan to naman." narinig ko si Dolly na sinasabi to kay Ray.. kay Ray na parang masusuka na talaga.
"Lyda ko, ok ka lang? Kaya naman?" bumulong sakin si Allen.
"Naman!" di naman ako matatakutin sa rides. Kakaiba lang yung feeling ngayon kasi katabi ko si Allen. May dagdag kaba din. :D
Nagstart ng gumalaw yung sinasakayan namin. Aww. Ayan na pataas na kami. Buti pala talaga nagpalit akong sapatos kasi baka malaglag doll shoes ko dito.
Inaanticipate ko na yung paglusong namin, handa na ang puso ko. Pero ang di ko napaghandaan ay ang paghawak ni Allen sa kamay ko nung malapit na kaming lumusong kaya napatingin ako sakanya at bumulong siya ng...
"I love you.."
Di ko to napaghandaan kaya nawala yung kahandaan ko sa rides. Kaya imbis na di ako kakabahan at matatakot, bigla ko yung naramdamang ngayon!! Anak ng star flyer to!!! hooooooooo.. lalabas na po ang puso ko kakatalon niya sa dibdib ko!!
Napakabilis lang ng star flyer, segundo lang talaga ang buong ride, pero ilang minuto na ang lumilipas feeling ko nakasakay pa din ako. Nakalutang ako.. yung utak ko.. yung puso ko.. yung pakiramdam ko.. Ang saya sobra!!
"Hui! Grabe lang kanina pa ko nagsasalita, walang reaksyon?" natauhan lang ako nung inalog na ko ni Dolly, at dun lang lumabas ang sigaw na kanina ko pa dapat naisigaw..
"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!" napayakap nalang talaga ako kay Dolly. Andito kami ngayon sa cr. Niyaya pala niya ko dito di ko na namalayan.
"Aray naman. Ano ba yan Lyda!"
"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!! Dolly!!! Dolly!!! Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh"
"Ano ba yun? Aray ah masakit na talaga yakap mo. Napapahigpit na friend!!"
"Dolly!! Mamatay na yata ako!!! Doolllllyyyyyyy!!!!"
"Sige sigaw pa. Wag mo sabihin sakin kung bakit ah! wag talaga!" parang naiinis na si Dolly. haha. eh kasi naman ang saya ko lang talaga!
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...