Chapter 34

1.1K 31 2
                                    

"Lyda next na kayo."

Jeez. Literal akong kinilabutan sa sinabi ni kuya Donald. Start palang ito nang pinaka practice namin para sa play, magbabasa palang kami nang script. Pero pag naiisip ko na si Lennon ang kabatuhan ko nang linya, sobrang kaba ko na.

After nang pag-uusap nila ni Ms Castro, hindi na ko nagkachance talaga na makausap siya. Hinila na ko nung dalawa na kumain nang lunch. Meron kaming mga baon kaya naghanap lang kami nang mappwestuhang room para kumain. Nakabili na din nang softdrinks yung dalawa kaya wala na kong dapat isipin kundi ang pag kain.

Dahil sa dulong room kami kumain nila Mia, hindi ko na napansin kung kumain ba si Lennon o hindi. Siguro naman may baon siya. Sana naman may baon siya!

Nagumpisa na kanina yung pagbabasa nang script, icocorect na kasi dito yung tamang tone, atake at emosyon kaya kailangan to bago ang blocking. Last part pa yung samin ni Lennon at next na kami. Wew.

Sinulyapan ko siya, nagbabasa siya nung script. Siguro kinakabisado niya yung part at nagiisip na nang magandang atake para dun.

"Ok.. last part tayo. Ready na? Lyda? Lennon?"

Tumingin sakin sila Mia tapos si Ms Castro. Kailangan mapakita kong artista ako, kaya kong maovercome ang awkwardness.

"Game po." sagot ko tapos tumango naman si Lennon.

Yung first scene namin sweetness agad. Para kaming nag sight-seeing sa isang lugar at pinaguusapan namin yung pagpasok namin sa iisang school.

Lennon: Babe, ready ka na ba sa papasukin nating school?

Ang lambing nang boses ni Lennon, nakatingin silang lahat sakin at inaantay nila yung magiging response ko dun. Dapat mapakita ko na kung kaya ni Lennon maging propesyonal, kayang-kaya ko din.

Ako: Oo naman! Buti nga magkasama tayo sa school na yun. Pero babe, kasama sa regulations nila na bawal magkarelasyon sa school.

Jeez. Kahit ako kinikilabutan sa tono nang boses ko.

Lennon: I know I know. Hmm. Sigurado ka bang gusto mong itago to?

ako: haaay. Actually, I hate to keep it. Pero para sa career natin, let's do it.

Lennon: Me too babe. I always wanted to let others know that you're mine. Pero kung desisyon mong itago muna, Ok. I'll go along.

Pinipilit kong hindi pansinin yung mga extra notes sa script. Pero whoa! After sabihin ni Lennon yung last line nang first scene, he WILL HUG ME TIGHT. yay! Buti nalang di pa kami aaction.

2nd scene sa school, we will act as if we're normal friends na pumasok sa isang school. Kakausapin na kami nang bading na principal, of course si Macky yun at ilalatag samin ang mga rules and regulations tapos ibang important matters as new members of faculty. Walang masyadong cheesy lines itong 2nd scene hangang 4th scene. Pero intense na yung 5th scene kasi ito na yung part na kinukulit na siya nung istudyante hanggang faculty.

Ako: James, umuwi ka na.

Ryan: Ms Aira, ihahatid kita. Diba sinabi ko na sayo kanina.

Ako: You don't need to. Kaya ko namang umuwi mag-isa.

Ryan: No. Gabi na kaya delikado. Ako maghahatid sayo ok? Nakamutor ako kaya mas madali kang makakauwi.

Ako: James. Please.

Lennon: James, san ka umuuwi?

Ryan: Oh sir Dom! Andyan ka pa pala. Dyan lang po ako sa malapit.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon