Chapter 11

1.6K 47 0
                                    

Madilim na ngayon at nakatambay kami sa labas ng bahay nila Allen. Kasama namin ang barkada minus Lyka. May lakad daw kasi sila kaya di sumama. Medyo ok na din kasi hindi nasira yunf aeaw ko. haha.

Kasama din namin yung mga pinsan ni Allen na hindi nalalayo ang edad samin. Ok din naman sila, sarap kausap at katawanan. Kung ano-ano ding biro sinasabi nila samin ni Allen. Nakakahiyang nakakakilig tuloy. haha 

Naging very smooth, and unforgetable, ang pagpapakilala sakin ni Allen sakanila. Yung lugar kasi nila parang samin, family compound. Ang mama at papa niya sobrang cool. Parang si mommy lang. ehe. Ok makipag usap at ang tawag nila sakin anak. Naks! haha. Kinakabahan akong mameet ang dalawang ate ni Allen. Syempre babae din sila at sila talaga ang huhusga sakin. Pero lahat ng kaba ko naglaho nang bigla akong yakapin at ayain sa kwarto nila pagdating na pag dating namin sa bahay. Grabe halong gulat at saya yung nafeel ko. 

Nung dumating kasi kami kanina, medyo busy na din. Kasi nag seset-up na nang tent tapos mga nagluluto na. Nasa labas ang mama at papa niya kaya napakilala niya ko agad. Tapos nung papasok na kami sa bahay nakasalubong namin yung dalawang pretty ates ni Allen at bigla akong niyakap.

"Hi Lyda!! Finally nameet ka din namin. As in suuuuuuppppppeeeeeer excited kami! Ate Alice!" tapos sabay abot nang kamay niya. Nakipag kamay naman ako.

"Oo true yun Lyda. Kasi gusto namin malaman sinong dahilan nang oag ngiti ni Allen mag isa! haha! Tawagin mo nalang akong ate Aldeen." at hinaya din niya yung kamay niya tapos nung inabot ko, bigla niya kong hinila na ikinagulat ko at ni Allen. Napatingin ako kay Allen agad kaya..

"Uy ate san niyo dadalin si Lyda?"

"Wag ka naman masyadong possessive Lentot, magpapatulong lang kami kay Lyda s taas para mag pack nang give aways! Para na din mas makilala namin siya!" sagot ni Ate Alice. Siya nga din pala ang pinaka panganay. Lima kasi silang magkakapatid. Dami no? ehe. Si ate Alice ang panganay, tapos si Ate Aldeen, tapos si Allen ko (naks), tapos si Aldrin (schoolmate namin pero mas younger yr siya samin) at ang bunso si Alyana na nagbibirthday ngayon.

"Sige na Lentot, wag ka nang madamot." sinasabi to ni ate Aldeen habang hila-hila niya ko paakyat sa hagdan. Wala nang nagawa si Allen kaya nag smile nalang ako na parang sinasabi na "ok lang."

Ang dami naming napag usapan, kaya habang tumatagal nagiging magaan ang loob ko sakanila. Ang dami nilang nakwento tungkol kay Allen at sa family nila. Binibigyan lang daw nila ako ng damily background. haha.

Si ate Alice 4th yr college na sa pasukan at accounting ang kinukuha niya, tapos si Ate Aldeen naman second yr college statistics naman ang course niya. Pansin ko lang lahat sila mahilig sa math. haha. No wonder si Allen isa sa mga math wizards sa room. 

Nag aabroad pala ang papa nila. Talaga palang may kaya sila kung tutuusin pero mas pinili daw ni Allen mag aral sa public school para di maging pabigat sa pag aaral nang mga ate niya. Baka daw kasi mahirapan ang parents nila kung dalawa nasa college tapos sa private pa siya mag aaral. Wow lalo akong naiinlove kay Allen niya eeh. Ayiiiiiieeee.

Meron silang family business, water stations, yes plural kasi pito na ang branches nun. Mama naman nila ang nagaasikaso nun. Kapag daw walang ginagawa si Allen, di siya makikita sa harap ng computer at nag uubos nang oras sa walang katuturang laro, kug hindi daw nag aaral, andon siya sa isa sa mga branches at tumutulong sa mama nila. Sobrang seryoso nga daw ni Allen kaya sobrang saya at excited nila nung malaman na may girlfriend na si Allen.

"Ayy ate Alice di ko pa po siya boyfriend."

"hahaha! Parang ganon na din yun! Ikaw lang dinala niya dito. Ikaw laging katext, madalas ka niyang mabanggit sa mga kwentuhan namin. Di pa man ngayon kasi bata pa kayo, dun pa din ang tungo niyan."

Grabe nakakahiya. >.<

Paranh di ako sanay na sabihing 'girlfriend' ni Allen. 

Tapos nag thank you din sila sakin kasi daw inaalagaan ko si Allen. Akala daw nila tatandang binata na si Allen pero dumating daw ako sa buhay niya kaya naiba yun. Pero ang nagulat ako sa sinabi nila bago kami bumaba nung natapos na kami mag pack..

"Lyda, alam ko bata pa kayo. Take your time. Wag kayo padalos-dalos. Madami pang mangyayari sa inyo, sa buhay niyo. Pero gusto kong malaman mo na gusto ka namin. Promise! Gusto ko pag nasa tamang edad na kayo, kayo pa din. Laging sinasabi ni papa na dapat isa lang ang mamahalin namin. Meaning nagkaron kami ng karelasyon, yun na yun hanggang dulo. Alam kong pinanghahawakan ni Allen yun kaya kahit na bata pa kayo, alam kong seryoso siya sayo." -- ate Alice

"Tsaka hindi ka ipapakilala samin ni Allen kung wala siyang magandang plano sainyo. Sa tingin ko pangmatagalan ang tingin ni Allen sa samahan niyo. Mahal namin si Allen, sobra. Kaya dapat ah ikaw din love love mo din si Allen. Pero kaw part ka na ng family namin kahit di pa man official." -- ate Aldeen

Napangiti ako bigla nung naalala ko yung mga sinabi nila ate Alice at ate Aldeen sakin.

"Lyda ko, bakit?" bulong ni Allen. Napansin niya pala yung pag smile ko. Kahiya naman. haha.

"Wala. May naalala lang ako." 

Nagtext na sakin si mommy at kay Allen na umuwi na ko. 10pm na din pala. Wala pa namang pasok kaya labg ayaw ni mommy na ginagabi ako. Kung di ko nga lang siguro kasama si Allen 7pm palang papauwiin na ko nun.

Nagpaalam na kami sa mga kapamilya ni Allen. Ang kukulit talaga ng mga pinsan ni Allen, pati mga tito at tita niya nakikiasar. Yung mama at papa niya nag thank you at nagpaalam na din.

"Anak babalik ka dito ah  Dalasan mo pag bisita. Pasensya ka na di ka namin masyado nakausap ngayon busy talaga eh."

"Opo naman tita. Naiintindihan ko po yun. Dadalaw nalang po ako minsan."

"Wag minsan! Madalas dapat. Paalis na ko ulit di pa kita nakakausap ng maayos."

"Opo tito. ehe. Bakasyon pa naman kaya po sige po dadalasan ko po."

Biglang bumaba sila ate Alice at ate Aldeen..

"Aalis na kayo?" -- ate Alice

"Oo ate. Nagtext na mommy ni Lyda." -- Allen

"Ganon? Sige hatid mo na baka magalit sayo future mother-in-law mo. haha." -- ate Aldeen

"Ate!" -- Allen

Tapos tawanan sila, napangisi tuloy ako.

"mga ate una na po ako ah." -- ako

"Sige ingat ka Lyda." -- ate Alice

"Babalik ka dito agad promise mo!"-- ate Aldeen

"ehe. Sige po." -- ako

Niyakap nila akong dalawa tapos binulungan nila ako.

"Yung sinabi namin ah." -- ate Alice

"Wag mo yun kakalimutan." -- ate Aldeen

Natapos din ang mahabang paalamanan. Dala ulit ni topher sasakyan nila kaya libre pamasahe nanaman kami. haha. Convenient pa.

"Lyda, mukhang ok ka na sa future family-in-law mo ah." biro ni Topher.

Tawanan sila, ako smile lang. Nakakahiya naman kasi andito si Allen.

"Talagang likable at lovable kasi si Lyda kaya hindi talaga malayong magustuhan siya sa bahay." 

Awts. Lalo akong natameme sa sinabi ni Allen. Kailangan may cheesy lines? haha. kilig naman ako.

Pero kung iisipin, isa sa best day ko today. Kasi nameet ko na ang hopefully nga eh future family-in-law ko, tapos ang dami ko pang nalaman about kay Allen. Lalo ko siyang nakilala. Nalaman ko yung isang side pa niya, at di ako nadisappoint. Kasi walang dudang boyfriend at husband material si Allen. Nagulat din ako sa bilin ng papa nila sakanila na dapat kung sino makarelasyon mo yun na yung mapapangasawa mo. Kasi ganon-ganon din ang laging sinasabi ni mommy sakin simula bata pa ko. Pinanghahawakan ko yun. Sabi pa nga ni mommy, yung hahanapin kong lalake, dapat di lang pang boyfriend material, dapat husband material.

 I think I found my future. 

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon