Chapter 20

1.4K 30 2
                                    

"Di ka ok eh." 

"Ok nga!! Ulit-ulit Lennon!"

"Di pa. Di pa. Di pa! Belat!" Natatawa ako dito kay Lennon. Ang kulit! Kanina pa yan nung nasa detention kami at nagaayos nang mga files ni ma'am English. Pero atlis ok na din na nangungulit siya kasi nakakatawa na ko. Simula kasi nung tumalikod at tuluyang umalis si Allen para ihatid si Lyka, iyak na ko nang iyak.

Parang nagtataka pa nga si ma'am english kanina kasi habang nag aayos kami nang mga files niya, halatang umiiyak ako tapoa si Lennon pinapasaya naman ako. Nahihiya ako kay ma'am kasi baka isipin niya naiiyak ako kasi nag aayos kami nang sobrang gugulo niyang files sa office niya. Kaya buong stay namin ni Lennon dun, di niya kami kinakausap. Sana naguilty na din siya. :p

Parang tanga lang. Umiiyak ako kasi kanina lang pinagtutulakan ko siya tapos nung umalis siya para samahan si Lyka, arte-arte naman ako. Ako din eh. Bakit ba kasi ako nagkakaganito kay Allen? Oo nga nalaman ko na childhood sweetheart niya si Lyka.. na may pangako eklaboo sila nung bata.. pero diba sabi niya sakin ako ang mahal niya? Dapat panghawakan ko nalang yun. Kaya lang di ko din maintindihan yung sarili ko, nasasaktan talaga ako. Pero nagagalit ako. Galit ako kay Allen. Mas galit ako kay Lyka.

"Takot ka lang."

"Ha?" parang timang to si Lennon, ano ba pinagsasabi nito? Napahinto tuloy ako sa paglalakad.

"Natatakot ka lang na dumating ang panahon na ipagpalit ka ni Allen sa childhood sweetheart niya. Kasi ang root nang anger ay fear. Walang galit na nagumpisa sa wala. Bawat galit na nararamdaman non, nanggaling lahat sa takot." nakatingin lang ako kay Lennon. Ilang minuto din na nakatingin lang ako sakanya. Parang dinadigest ko pa yung sinabi niya. Takot nga ba ko kaya galit ako ngayon kay Allen? Takot ba ko kaya galit na galit ako kay Lyka? Tama.

Takot akong mawala si Allen.

Takot akong maagaw siya ni Lyka.

Takot ako sa mga pwedeng mangyari sakanila kakataboy ko kay Allen habang nagkakachance na makalapit si Lyka.

"So anong dapat kong gawin?" naglakad ako ulit. Sumunod naman si Lennon.

"Ano sa tingin mo?"

"Labanan ang ginagawa ni Lyka."

"Sa tingin mo yun na ang sagot?"

"Oo. Hindi ba?"

"Ewan ko sayo. Ikaw naman makakaalam niyan eh."

Naglakad na kami ulit nang hindi naguusap hanggang makarating kami sa harap nang bahay.

"Lennon thanks."

"Wala yun. Sa kabilang kanto lang naman ako."

"Hindi, thanks sa mga sinabi mo. Thanks sa pangungulit mo. Thanks kasi kahit nasasaktan ako, nakakasmile pa din ako."

"Hmm. Wala yun." sabay smile siya.

"Buti nalang tropa kita, kung di magisa ko tong haharapin. haha"

Di ako sure pero parang nakita ko nagiba yung smile niya. Nabawasan? Ewan. Nakasmile pa din siya pero wala na yung smile sa mata, nasa lips lang. Pwede pala yun? haha.

"Sige na pasok na. Good night." binuksan ko na ang gate at pumasok. Pero bago ko isara, "Good night din! Bye" At tuluyan ko nang sinara.

------------------------------------

"Kanina ka pa?" tanong ko sakanya.

"Di naman. Tara?" tumango lang ako at nagsimula na kami maglakad.

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon