Kanina pa nila kami tinitignan. Wala akong pakeelam. Kailangan maisagawa ko yung napagusapan 'namin' kagabi. Nung matanawan ko siya, tinignan ko agad siya, tumango siya, pumasok sa room para ibaba ang gamit, tapos lumabas ulit kung nasan ako. Di ko na siya kailangang yayain pa, kagabi pa namin napagkasunduan to. Nauna akong maglakad at agad siyang sumunod, kailangan makahanap ako nang lugar kung san kami maguusap. Walang nagsasalita, walang ngumingiti o kumikibo habang naglalakad kami. Ok nakahanap na ko nang spot, sa school garden. Walang tao at bihira puntahan nang tao. Pag dating dun umupo ako agad sa dulo ng isang bench, siya naman sa kabilang dulo.
Buntong hininga.
"Ok game. Simulan mo na." ako ang unang nagsalita after naming makaupo.
"Sige game. Sabi ko nga sayo kagabi, onti lang yun-"
"Pero nangako kang tutulungan ako diba?" pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"Oo nga. Kaya la-"
"So umaatras ka na sa usapan natin?"
"Hindi!" napasigaw siya sa tanong ko. Tumingin lang ako sakanya at nagantay sa mga sasabihin niya.
"Ok ok wag mo na kong tignan nang ganyan. Sasabihin ko na!"
"Bilisan mo Lennon, maikli lang ang pasensya ko." natatawa na ko sa totoo lang. Ang galing ko talaga umarte, kasi naniniwala siyang galit na ko. Halata kasing natataranta siya.
"To na! Haaay. Sa pagkakaalam ko, first love din ni Allen yung childhood sweetheart na yun pero alam ko di niya alam na si Lyka yun. Alam ko din, recently lang nalaman ni Lyka at kung di ako nagkakamali, nalaman lang din ni Allen yun kahapon nung dumalaw nga sila Lyka dun sakanila, which is nasaksihan mo!" paguumpisa niya.
"Oo. Tuloy mo pa."
"Ayun, parang nabanggit sakin ni Allen dati na natatandaan nga niyang nung bata daw siya may kalaro siyang batang babae. Kinausap daw siya nung bata nung isang beses at sinabing dapat mangako sila sa isat-isa na magpapakasal sila pag laki, so nangako naman daw siya." tumingin muna siya sakin bago tinuloy. "Tinanong ko naman siya nun kung may plano ba siyang hanapin yung batang yun na hindi na nga din niya maalala yung pangalan lalo ang mukha. Pero alam daw niyang maganda yung bata kasi crush na crush daw yun ni Aldrin dati. Sabi din niya di naman daw siya character sa mga love story na hahanapin ang isang childhood sweetheart para ituloy yung napagusapan nila. Tapos.."
Ako naman ang napatingin sakanya, nagulat kasi ako sa paghinto niya.
"Tuloy mo lang" sabi ko
"Sigurado ka?" ha? Bakit niya tinatanong?
"Oo naman. Bakit?" sagot ko
BINABASA MO ANG
Super Crush (Completed)
RomanceNung pumasok ako nang highschool, hindi ko naman naisip ang salitang "crush", ganon pa man, isipin mo man ito o hindi, kusa nalang itong mararamdaman at unti-unting lalago. Masarap sa pakiramdam na yung taong tinatanaw mo lang sa malayo dati ay mags...
