Chapter 1 - First Day

26.8K 436 59
                                    

CHAPTER 1

"YOOOOOOOOOOOONGGG!"

Aissh! Sino na naman ung tumawag sakin ng Yoong?! -_____-

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Yuri na tumatakbo papunta sakin, ito talagang babaeng to ang hilig sumigaw habang tumatakbo

"Yah! Ano ba! Sabing wag Yoong o Yoona itawag mo sakin eh"

"Sungit mo talaga! Hmp!"

"Bakit ka ba sumisigaw ha?"

"Kanina pa kasi tinatawagan hindi mo naman sinasagot. Sabi ko sabay tayong papasok, hindi mo naman ako dinaanan" nagpout pa siya. Aisssh! Mas matanda ka sakin tapos ganyan ka umasta ah 

"Ahh, ambagal mo kasi kumilos kaya hindi na kita dinaanan tsaka hinatid ka naman ng driver mo ah"

"Onga. HAHAHA"

"Hayy, ewan ko sayo. tara na nga"

Naglakad na kami papunta sa classroom namin. Wow ha, eto na naman ung mga tingin ng mga pesteng babaeng to. Psh

"Hayy, ang ganda niya talaga"

"Sinabe mo pa kaya nga andaming nagkakagusto sa kanya eh. Mala dyosa sa ganda"

"Maganda nga, pangit naman ugali tsaka diba andami na nyan naging boyfriend"

Tiningnan ko ng masama ung huling nagsalita. Agang aga chismisan sila. Get Lost!

Oyea, madami na akong naging boyfriend and so what? Maganda ako eh, and boys love me! Psh. Pero wala naman talaga ako sineryoso sa kanila. For me love is just a game. Oh well, meron palang isa. Pero he broke my heart kaya nga ata mas lalo akong naging ganito.

"Kaloka ka talaga daming takot sayo"

"Akala mo naman sayo wala. Mas malala ka pa nga sakin pag nagagalit ka eh"

"Shut up" see, mas malala naman talaga sakin tong si Yuri pag nagalit eh

By the way I forgot to introduce ourselves. Ako si Clairence Im. Why did Yuri called me Yoong? It's actually my Korean namen pero ayoko ng gamitin un. Basta ayoko. And Yuri is my bestfriend. We're both half Korean and Half Filipino. We grew up together. Palipat lipat kaming dalawa. Actually, I have a sister but she's in Korea kasi she's the one managing one of our company dun. She's helping Dad and Mom at nakaengage na sya. Well, her fiancé is one hot man. And he's really my crush. Well they both don't mind it naman. It's just an infatuation at wala akong balak mangaagaw ng boyfriend ng kapatid ko.





Hindi ako nagmamayabang sa sasabihin ko because I'm just saying the truth. Yuri and I are two of the hottest and popular girls in Kentfield University, our school. Actually, tatlo kaming pinaka sikat, ung isa hindi ko pa nakikita baka late na naman un.

"Nga pala Claire, alam mo ba ung may bago daw Chinese na lumipat dito? Hmm...I wanna see him! Cute ang mga Chinese!"

Basta talaga lalaki walang patawad to eh. Sabi ko nga sa inyo parehas kaming dalawa, pinagkaiba nga lang ako lahat pinatulan siya, ni isa wala. Ayaw daw ng lokohan na relasyon. Makikipaglandian na lang daw siya

"Psh. Lahat naman sayo cute"

"Che. Atleast ndi madami naging boyfriend ko no" Aba! Dinilaan pa talaga ako

"Hayy, ewan ko sayo!"

Nagdirediretso na ako sa paglalakad. Bakit ba kasi ang layo ng classroom namin. Habang naglalakad ako may biglang bumangga sakin at natapon ung hawak niyang juice sa damit ko -___-"

"YAAAAH~! JOOGOLAE??!!! Are you out of your mind?!"

"Naku sorry po Claire. Pasensya na"

"Ugh. Sorry?! Palagi na lang bang magsosorry? Ghad, why do you people have to say sorry na lang palagi! WTF! Sorry ng sorry paulit ulit na din naman ginagawa! GET LOST!!!" Uh-oh, ayun nadala na ako masyado at medyo napalayo na ang nasabi ko.

Pinunasan niya ung damit ko. Anong use eh basang basa na ako at konting minuto na lang magstastart na ang klase

"Sorry po talaga, papalitan ko na lang po"

"Malag kasi! Ayaw tumingin sa dinadaanan! Dapat lang na paltan mo to no! Or else Find another school kung gusto mo bang mabuhay"

Okay, masyado naman ata naexaggerated ung pagkakasabi ko pero, ghaaad! Agang aga sira na agad mood ko! The fvck! For sure hindi magiging maganda ang buong araw ko!

"Umalis ka na nga sa harapan ko, baka kung ano pa magawa ko sayo!"

Umalis na ung girl at ung mga taong nasa paligid na nakikiusosyo tiningnan ko ng masama kaya nagsialisan na din sila

"OMO! What happened to your dress?!"

Si Laureen un. Siya ung tinutukoy ko kanina na kasamahan namin. Leader kasi siya ng Dance troop ng school kaya sikat na sikat yan. Pati ung boyfriend nya, silang dalawa actually ung leader. She's like us kahit na leader yan pero hindi naman siya masyadong malala. Ah, ung boyfriend niya ay si Keidi, kabarkada din namin

"May stupid girl kasi na mamalag malag at ayun natapon ung juice na hawak niya sa damit ko. Ugh, ayos talaga eh. Sinira na niya agad araw ko. For sure hanggang mamaya na tong ganito!"

"Talaga? Hayy, naku. Magpalit ka na nga, ang asim ng amoy mo"

"Batukan kita jan eh. Naku, ewan ko sa inyo. Samahan niyo na nga lang ako sa locker ko, kukuha ako ng damit"

Naglakad na kami papuntang locker room. 10 minutes na lang time na. Fine, edi late na kung late, I don't care

"Alam niyo na ba ung bagong lipat na estudyante? Dalawa daw un eh mag pinsan. Weird nga eh, isang Korean at isang Chinese, pano kaya naging magpinsan un?"

"Dalawa ba? Woah! Girl! Tig isa tayo!"

"Ewan ko sayo"

"Sungit talaga nito"

Nakapagbihis na ako ng damit kaya umalis na din kami at pumunta na ng classroom. And as expected, we are late, 15 minutes late. Kasalanan ko ba na matapunan ng juice at maglakad sa malayo nilang locker room para makapagpalit

"Ms. Im, Ms. Kwon and Ms. Flores you are 15 minutes late" sabi nung teacher namin, grabe terror teacher to eh

"Sorry Ma'am. Nagkaemergency lang po" paliwanag ni Laureen

"Okay, go to your sits now"

Maganda ata mood ng teacher na to ha. Baka nakahanap na ng magiging asawa. Konti na lang matandang dalaga na to eh!

"As I'm saying, you will be having two new students. Sila ang magiging new classmates niyo but unfortunately hindi pa sila makakapasok due to some problems pero by tomorrow andito na sila and you'll be meeting them"

So samin pala mapapapunta ung dalawang new students. Tiningnan ko si Yuri at nakita kong nagniningning ang mga mata niya dahil sa napakinig. Hayy naku, babaeng to talaga.

"But, you haven't heard about this pero may nagbabalik na estudyante sa school na to and dito din siya sa klase niyo mapapapunta"

Wow ha, lahat dito pupunta. Ano meron sa klaseng to? Tsaka sino naman ba kaya ung magbabalik na un.

Andami naman naglilipatan o nadadagdag ngaun. Sino nga ba ung mga umalis na dito. Madame dame na din nga pala un

"You may come in now Mr. Kim"



Pagkarinig ko nung apelyido nanlaki ung mata ko. Mr. Kim? Isa lang naman ang Kim na umalis sa school na to. Hindi, hindi pwedeng bumalik ang taong un. Hindi pede!!!

Ms. Bitch Meets Mr. Baby FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon