Chapter 17 - I Still Love You

11.5K 191 15
                                    

Chapter 17

CLAIRE'S POV

Umaga na. Matapos ang napaka sweet na pangyayare kagabi, eto na kame para harapin ang Amazing Race na ito. Nag aayos na kameng lahat. Well, actually ayos na ako sila na lang pala.

Masaya ako kasi finally sina Turi at Josh, natapos na ang manhid stage nila and finally they're together na. Jusko, paguuntugin ko na talaga sila eh kung hindi pa naman sila nag ayos!

"Oy! Lalim ng iniisip mo dyan te ah!" Sabi ni Yuri na may kasama pang hampas.

"Aray! Bat kelangan may hampas pa" pagsusungit ko.

"Wala naman pero Claire thanks nga pala ha?" ngumiti ng napaka lapad si Yuri.

"Pang ilan thank you mo na ba yan ha? At pang ilan you're always welcome ko na ba to?" Natatawang sagot ko. "Pero Yuri, masaya talaga ako kasi finally, kayo na din ng taong mahal mo"

Niyakap nya ako ng napaka higpit at niyakap ko din naman sya pabalik. Ako na ata ang pinaka masaya para sa best friend ko na naging kapatid ko na din.

"Oy, naiinggit ako" sabi ni Josh na may pout pang kasama. Ugh. Gross.

"Stop doing that Joshua! You're giving me creeps!" Sabi ko kasabay ng pagkalas sa yakap namen dalawa.

"Oh yea right I forgot you're Claire" natatawang sabi ni Josh na sya ding naging dahilan kung bakit napatawa na din kaming lahat

Natigil lang ang tawanan namen ng nakita na namen ang magiging host ng laro namen. Oo, sosyal to eh, may host pa. Sobrang gusto kasi magparticipate ngaa staffs ng resort sa laro namen kaya close ang resort ngaun, ung mga naka check in talagang pinaalis nila dahil gusto nila mawitness to.

"Okay, mga señorito at señorita, sisimulan na naten ang paligsahang ito" sabi ni Penny. Siya ay isang bakla, sya ang ung receptionist sa resort eh. At ngaun sya ang host.

"Pero syempre hahatiin kayo sa 4 teams. Ang Blue Team, Yellow Team, Red Team at Green Team. At dahil 9 kayo, may isang team na magkakaroom ng three members" pagpapatuloy nya.


Kame naman at tumatango tango lang. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

May inabot sa kanya ung isa pang staff ng resort, isa syang fish bowl. Mukhang magkakabunutan ulit. Sana, hindi ako malasin.

"At ngaun, isa isa kayong bubunot ng kulay. Nasa loob ng maliliit na envelope ang magiging kulay ng team nyo. At sabay sabay nyo syang bubuksan pag nakabunot na ang lahat"

Inilahad nya ung fish bowl samen at isa isa na kameng bumunot. Kinakabahan ako talaga. Ako ang unang bumunot at sumunod naman sakin si Nate. Sana ikaw na na lang maging partner ko. Please.

"Ayan, ngaun buksan nyo na!" Excited na sinabe ni Penny

Nung binugksan namen at iniharap sa isa't isa para makita kung sino ang magkateam. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kaya ba kanina pa akong kinakabahan dahil dito? Bakit? Bakit kelangan maging sya pa? Bakit hindi na lang si Nate. O kaya sina Yuri, bakit sya pa?!

"Okay, mukhang alam na naten kung sinu-sino ang magkaka team at mukhang ang Green Team ang mabibiyayaan ng three members" sabi ni Penny habang kinukuha ung mga papel sa amin. "Okay, so for the Green Team, we have here Josh, Laureen and Keidi. As for the Red Team we have Yuri and Clarisse. For the Yellow Team we have Nathan and Terrence. And for the Blue Team...we have, Theo and Claire"

Bahagyang nagkaroon ng katahimikan. Naglatinginan kame ni Nathan at binigyan nya ako ng tingin na nagsasabing 'Everything will be alright' pero sana nga maging maayos ang lahat pag nagsimula na ang lahat ng ito.

Ms. Bitch Meets Mr. Baby FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon