Chapter 60
"Ooh. Look who's back" she smirked.
Nagsmirk din ako sa kanya. "Miss me?"
"Of course, who wouldn't miss you" she answered. "Nagalala nga ako sayo eh. Buti na lang you're safe and alive"
"Well, sabi nga nila, ang mga masasamang damo, mahaba ang buhay. Well, I guess that's why I'm still alive" I rolled my eyes.
"Oo nga naman" sabi nya.
"Pero siguro mas mahaba ung buhay nung may kagagawan ng lahat ng nanyare sakin diba Clarisse?" nakita kong medyo nagitla sya pero agad din naman syang ngumiti.
"M-malamang un" medyo nautal na sabi nya.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman siguro ikaw ang may kasalanan nun diba?" lumapit ako sa kanya.
"And why are you suddenly accusing me?" halata sa mukha nya ang pamumultla pero pinipilit pa din nya umaktong mataray kahit hindi naman kaya. Tss.
"Oops, I didn't actually accused you, I'm just making sure na hindi ikaw yun. That's different" I said and winked at her. "Oh well, mauna na ako. I just want to warn you Clarisse, you don't want to taste my sweet revenge kaya I hope hindi ikaw ang may kagagawan ng mga nanyare sakin" I said and leave her.
Be prepared for my sweetest revenge Clarisse. I'm going to make sure you'll like it. Hehe. Pero to be honest I still don't have any idea kung ano ba gagawin ko pero sisiguraduhin kong magsisisi talaga sya dahil ako ang kinalaban nya.
******
"Claire!" tiningnan ko kung si ang tumawag sa akin. Pag tingin ko si Josh pala, kasama nya sina Rence, Theo at Keidi pati na din si Nate. Nakatingin sya sa akin.
Lumapit si Josh sa akin. "Kanina ka pa hinahanap nina Yuri, pupunta kasi tayo sa bahay nina Yuri eh. Tara na?" tiningnan ko muna si Nate at agad ko naman ibinalik ung tingin kay Josh.
"Hindi na muna ako sasama, you guys won't enjoy it kung andun ako" I said and I'm about to leave when Josh stopped me.
"Oh come on Claire, kaya nga tayo ulit mag hahangout dahil you're here" sabi naman ni Josh.
"Pero--" Josh cut me off at hinila na ako papunta dun kina Nate.
"Wala ng pero pero. Halika na. Kanina pa naghihintay sina Yuri" sabi nya at nung makarating kame kina Nate itinabi naman nya ako kay Nate na mukhang wala man lang talagang balak na kausapin ako. Ganyan ba gusto nya? Fine!
Pagkarating namen sa parking lot, sasakay na sana ako ng sasakyan ni Josh kaso pinigilan naman ako ni Keidi. "Oops, sorry Claire, puno na eh. Dun ka na lang sumakay sa sasakyan ni Nathan"
Tinaasan ko ng isang kilay si Keidi. "Are you kidding me?!" naiinis na sabi ko. Seryoso ba sya?! Eh kasya pa naman ako. Tatlo lang sila so kasya pa ako!
"Sige na dun ka na" sabi naman ni Theo at itunulak nya pa ako papunta dun sa sasakyan ni Nate. Ugh! I will seriously kill you guys!!!
Nagsipasukan naman ung apat na ugok na yun sa sasakyan ni Josh. Nag wink pa nga si Josh at Keidi sakin, si Rence naman natatawa lang at si Theo and lapad ng ngiti. Ugh! Humanda talaga kayong apat sakin!!!
Sasakay ba ako or hindi? Nakakainis talaga! Pag sumakay ako ang awkward naman eh. Magbyahe na lang kaya ako? Or pasundo na lang ako kay Manong Edgar. Tama, papasundo na lang ako.
"Sasakay ka ba o iiwanan na kita?" Napatingin ako kay Nate. Asa loob na pala sya ng sasakyan. Hindi man lang ako pinag buksan ng pinto! Pero ano ka ba Claire, galit nga sayo diba?!
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...