Chapter 47
RENCE'sPOV
Kanina pa ako nagiisip, actually pagkatapos masabe ni Claire ung sorpresa daw nya sa akin hindi na maalis yun sa isip ko. Syempre ano ba naman pwede nya maging surprise sakin? Hindi kaya yung? Hindi eh, impossible. Mahirap hanapin ang taong hinahanap. Basta, alam kong alam nyo ang feeling na yan.
Andito ako ngayon sa Incheon airport. Nakasakay na ako sa loob ng eroplano. 5 oras din akong nakaupo. Nakakatamad naman. Sana naman pagdating ko dun, andun na sila. At hindi ko ba alam kung pag dating ko din sasabihin na nila sa akin yung surprise dahil hindi na talaga ako mapakali.
Nung sinabe na magtatake off na daw, pinikit ko na ang mga mata ko para naman makaiglip ako kahit konti.
CLAIRE'sPOV
Hayy! Ang tagal naman ni Rence eh! Nakakainis na! Excited na ako! Teka nga, bakit ba wala pa dito si Chianne?! Hindi pwedeng wala sya dito eh! Pano na yung surprise ko? Huhu!
"Jagiya, bakit ba hindi ka mapakali ha?" hinawakan na ni Nate yung braso ko kasi kanina pa talaga ako nagpapauli uli. "Nahihilo na kame sayo eh.
Napatingin naman sa kanya. Kanina pa pala ako hindi mapakali. "Sorry bao bei ha? Eh kasi naman, wala pa si Chianne tapos wala pa si Rence. Bakit ba ang tagal nila? Paano na yung surprise ko?"
Tumawa ng mahina si Nate at ginulo ang buhok ko.
"Chianne called Yuri she can't come, inaayos pa daw nya papers nya para makapasok na sya sa school" napapout na lang ako. She didn't call me. Kainis. Tapos busy pa pala sya. "But she also said na just call her mamayang hapon if may kelangan pa naten sya"
At para akong nabuhayan sa naisip ko. Tama! Party! Welcome home party ni Rence at dun ko ipapakilala sa kanya si Chianne! OMYG Claire you are really so brilliant!
"I have an idea bao bei, guys!" lumapit kame ni Nate sa kanila. "Let's have a welcome home party for Rence tapos dun naten ipapakilala si Chianne sa kanya" naeexcite kong sabi. Mukhang sang ayon naman sila dahil tuwang tuwa sila.
"Aba party! Masaya yan, tagal na naten hindi nagpaparty eh!" tuwang tuwang sabi ni Keidi.
Tagal na nga nung huli kameng nag party ah. "Sa bahay na lang, mamayang hapon ha? Yuri call Chianne and inform her ha? Nakakatampo kasi hindi nya ako tinawagan"
Tinawanan naman nila akong lahat. Ano ba nakakatawa sa sinabe ko? Eh sa nakakatampo talaga eh. Ako friend nya tsaka unang na kakilala sa kanya tapos ako pa yung hindi nya itetext. HMP!
"Hindi ko maisip na isa kang babaeng mataray, suplada, medyo war freak--in short bitch when your acting like that" natatawang sabi ni Nate. Inirapan ko na nga lang sya. Nako!
"I heard a party, can I join too?" Napalingon kame sa lalaking nagsalita. At lahat kame nagulat noong nakita namen sya. Why is he here?
"Theo?" sabay sabay nameng sabi.
"What? Do I look like a ghost? Para kayong nakakita ng multo sa reaction nyong yan ha" natatawa nyang sabi sa amin.
Tumayo naman sina Keidi at Josh para yakapin, ung lalaking yakap, basta alam nyo na un, si Theo. Nag apir naman si Nate at Theo. I can say they were on good terms now. Okay na sila at mukhang mag kaibigan na nga eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...