Yay! Finally! Pasensya na po sa update na to, lutang talaga ako ngaun eh, >__< pero sana po magustuhan nyo! Eeep, picture nga po pala ni Candice at Caleb on the left!
Dedicated to Ate Eilramisu! :3 kyaaa! Hihihi! Guys don't forget to vote, leave a comment and be a fan!!! Thanks!
_________________________________________________________________________
CHAPTER 5
"Claireeeeeeee!" Sigaw ni ate
Oo, may ate ako, sya si Ate Candice at may fiancé na sya, si Kuya Caleb
"Ate!" tumakbo ako palapit sa kanya at hinug ko sya, "bakit parang napaaga ata ung uwi nyo ni Kuya?"
Lumapit na din samin si Kuya. Asa airport kasi kame ngaun kasi nga sinundo ko sila
"Eh ito kasing si Caleb eh, masyadong atat umuwi"
Nag nod na lang ako. Pumunta na kami sa sasakyan at nag drive na si Manong Fred
"Ate let's eat po?"
Kayna Ate at Kuya kasi ako mas close kasi sila ung lagi kong takbuhan dati.
"Saan mo ba gusto kumain?"
"Anywhere"
"Manong Fred paki drive na lang po sa Shakey's"
At ayun nga, dumiretso na kami sa Shakey's. kwentuhan lang kame dun. Grabe namiss ko na talaga si Ate!
"Ate! Una na ako sa taas ah? Nakakapagod! Bukas na lang tayo mag shopping!" Hinug ko sya at umakyat na ako sa kwarto ko
Chineck ko ung phone ko. Kanina ko pa nga pala to iniisnab! Busy kay Ate eh
Pag tingin ko, woah! 16 miscalls from unregistered number. Sino kaya to?!
Bigla na naman nagring ung phone ko at ung number na naman na un ung tumatawag!
"Hello?"
"Claire! Finally!"
Theo?! Saan naman nito nakuha number ko?
"What the heck is your problem Theo?! Stop calling me, and where on earth did get my number?"
"Please, can we talk?"
"What do you think we're doing right now"
"I mean, ung maayos, ung hindi ganito"
"You know what Theo, their's nothing to talk about. Tapos na tayo diba? You finished everything between us so will you please stop!"
Pinagbabaan ko na sya. Naiinis na ako! May Clarisse na sya! Free na nga sila maglandian, why bother?! Ugh!
Natulog na lang ako. Ayoko ng isipin pa un.
"Hey, baby, wake up" narinig ko ung sweet voice ni Ate
"Good morning Ate" bati ko
"Good morning Claire. Sige na mag ayos ka na, breakfast is ready. Pagkatapos naten kumain, aayusin na naten ung sa wedding ko"
Ahh! Right, oo nga pala, kaya pala excited si Kuya Caleb kasi nga malapit na ung wedding nila! Naeexcite ako! Syempre ako ang Bride's Maid :">
Nagayos na ako ng sarili at bumaba na. Sina Ate kumakain na
"Good morning Kuya Caleb! Kasama ka po ba namen ni Ate?"
"Ah, hindi eh, may aasikasuhin kasi ako sa company ng Dad nyo eh"
"Ahh, so Ate! Sis bonding pala tayo!"
Tumawa lang si Ate. Nako, pa demure ang Lola nyo! Pasensya na at kaharap ang fiancé!
"Ate Candice, anong feeling na malapit na ikasal?" Tanong ko kay ate sabay subo nung sundae ko
"Nako, nakakakaba no! Jusko, feeling ko nga pag naglalakad na ako sa altar, himatayin ako!"
"Ate, OA -_-"
"Mafefeel mo din to no! Naku, halika na nga, ipagshoshopping kita para ung old clothes mo maibigay mo na sa orphanage"
Meron kasi kami tinutulungan na orphanage. Mahilig kasi kame sa mga bata! Hehehe
"Kyaaa! Leggo ate!" Para akong batang hila hila si Ate! Lahat ng stores pinasok namen!
Grabe nakakapagod. Pinadala na nga namen kay Manong Fred ung pinamili namen, andame kasi eh
"OMYGOSH! Is that you Ate Candice?!" Sigaw ni Yuri nung nakita nya kami sa may food court
"Hahaha! Yuri, yeah it's me!"
"Grabe Ate Candice! Ang ganda mo pa din!" Tapos naghug sila
"Bakit ka andito?" Tanong ko nung tapos na sila maghug
"Wala lang, gusto ko lang umalis ng bahay, wala din naman kasi ako kasama"
"Ayy, pasensya na girls ha, but I'll leave you here muna. Nagtext kasi si Caleb, pupunta daw kami sa Mommy nya eh"
"Ahh ganun ba, sige ingat ka Ate!"
"Don't worry Ate Candice, pag dridrive ko na lang pauwe si Claire"
"Osya sige, take care girls!"
Hinug namen sya ni Yuri at kami naman naggala na
Lakad dito, lakad doon. Aish! Mejo pagod na ako -__-
"Claire?"
May unknown guy na tumawag sakin
"You are?" Tanong ko with matching taas ng kilay
"Hindi mo na ako tanda?"
"Will I even bother asking who you are if I know you?"
"Ex mo"
Ahh, yeah. Onga pala. Dahil sa pagkakabreak namen ni Theo at sa super bitter kong peg kung sinu-sino na naging ex ko!
"Ahh, yea right. Ano kelangan mo?"
"Claire!" Tawag sakin ni Yuri at nagitla sya nung nakita nya si... Ano nga ulit pangalan nito? Ugh, never mind
"Sino sya?"
"Ex ko daw"
Nagnod na lang sya. Alam naman nya ugali ko dati, nag stop na ako ngaun kasi naman, duh! I'm not bitter anymore no!
"Hey, Matt!" Tawag sakanya nung isang babae, girlfriend nya siguro, tss, I don't effin care
"C-Claire" parang nagitla sya nung nakita nya ako, nginitian ko lang sya, a fake one though
"Let's go Yul" aya ko kay Yuri
Aalis na sana kami pero
"D-don't tell me, y-you're flirting with my boyfriend again" nagstu-stutter nyang sabi
"What the hell?!"
"Grabe, anlakas ng loob mong magsabi ng ganyan ah!" Si Yuri, nagiinit na din, ramdam ko. Sa totoo lang mas bitch to sakin.
"Ginawa mo na un nung una! You slut! Flirt ka, inakit mo si Matt para sirain ung relasyon namen, and now gagawin mo ulit"
Fvck! Pigilan nyo ako! I'm trying to be good na. Pero pinalalabas na naman nya pagkabitch ko
"The eff! Anong sabi mo sa best friend ko?!" Sigaw ni Yuri
Pinigilan ko sya kasi balak nya ata saktan tong babaeng to eh
"Let me handle this, Yul" kinindatan ko sya
"Babe tama na. Nageeskandalo ka na eh" pagaamo nung boyfriend nya
Nakita ko nag close fist sya at ung mga tao pinagtitinginan na kame. I don't care! Hindi ako ang nagsimula nito pero I'll end this!
Lumapit sya sakin at sasampalin nya dapat ako pero dahil walang sinuman ang may karapatan manampal o manakit sakin lalo na sa anumang parte ng katawan ko kaya napigilan ko
"How dare you?!"
"Ano ba nasasaktan ako!" Hinigpitan ko lalo ung pagkakahawak ko sa kanya
"Claire, bitiwan mo na sya please?"
"Shut up!" Sigaw ko dun sa lalaki at tumingin ulit sa impaktang to
"Alam mo Miss, whoever you are, unang una, hindi ako ang unang lumapit dyan sa boyfriend mo! Okay sige, you can call me slut or flirt or whatever you want to call me, I don't care with that! I'm used to it. Alam mo, anong magagawa ko kung napakaganda ko compare sayo kaya hindi na din ako magtataka na iiwanan ka nitong boyfriend mo. And wait, as if naman papatulan ko to diba?! Over my sexy body! Duh! I'll never do that! Kaya ikaw wag kang masyadong OA at selosa! Hinding hindi ako papatol dyan sa boyfriend mo. Iyong iyo na!" Tinulak ko sya sa may boyfriend nya tapos umiyak na sya
Pasalamat sya hindi ko na sinampal yan!
"The next time na aawayin moko, be sure to be prepared" at syempre, para saan pa ang pagkabitch ko kung hindi ko naman ipupush
Kinuha ko ung ice cream ko kay Yuri at nilagay sa may ulo nya. Tss. You deserve that
"Tss. You know what, kanina pa kasi ako nagcracrave sa ice cream at dahil sayo, hindi ko nakain, so ayan!" Nagroll na lang ako ng eyes at umalis
Rinig ko ung hagulgol nung babae. Tss. -___- sure ako, sikat na naman ako sa YouTube bukas, at ako na naman ang usap usapan sa school.
"What a nice scene out their" biro ni Yuri sakin
"Whatever. Sayang tuloy ung ice cream, let's just buy milk tea?"
"Libre mo?" Nakita ko nag shine ung mata nya
"Hayy nako, pag talagang libre, okay fine sige!"
At dumiretso na kami sa Milk Tea Corner
Aissh! Sirang sira na ung araw ko. The eff that girl! Panira ng araw eh. Nagbabago na nga ako, pero ayaw talaga ng mundong to magbago ako
"Claire"
"Hmm" tugon ko habang nagsisip sa Milk Tea ko
"Naiinis na ako kay Josh!"
"Ha? Bakit?"
"Eh kasi, why is he so manhid?! Nakakaasar!"
Hahaha! Onga pala, umamin na kasi sakin si Yuri na mahal din daw nya si Josh. At kaya sya umamin kasi nga hindi na daw nya kayang pigilan ung sakit na naramdaman nya nung narinig nyang may gustong babae si Josh. Eh sya naman un. Ang torpe naman kasi ni Josh, tapos etong si Yuri naman, manhid.
"Edi ikaw gumawa ng first move!"
"Duh! Claire naman! Why me?! I'm the girl here!" Nag sigh si Yuri at nagpatuloy sa pagrarant nya "Atsaka, remember ung nasa bahay mo kame, diba may iba syang girl na gusto, -__-"
Hayy! Nako Yuri, kung alam mo lang na ikaw un!
Kelangan ko na ata gumawa ng way para magkaaminan tong dalawang to eh
Pano ko naman gagawin un? Kelangan ko din ng tulong ng buong barkada
"Nakakainis na talaga! Kelangan malaman ko kung sino ung babaeng un! Bestfriend pa din ako no Josh kaya may karapatan ako!"
"Nakakatawa ka jan Yuri, eh ndi mo nga sya matanong kung sino eh"
"Natatakot din kasi ako malaman kasi masasaktan ako"
Duh! Nako! Kung pwede ko lang talaga sabihin sayo ngaun, nagawa ko na! Jusko, hinding hindi ka masasaktan girl, swear!
"Hindi ka masasaktan, promise"
"Ha?"
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...