Chapter 15 - What the hell?!

12.4K 216 2
                                    

So enjoy guys! Don't forget to VOTE.LEAVE A COMMENT.BE A FAN! 

Lab lab lab <3

*****************

Chapter 15

"Waaah!!! Claire Im!!! Bakit dito kayo natulog?!" Ugh! Sino ba ung agang aga ang ingay ingay?!

"Oy! Claire! Nathan! Anong trip nyong to at dito kayo natulog?!" Isa pa to!

Hindi ko alam kung sino ba ung mga nagsasalita kasi naman, alam nyo ung ang sarap sarap ng tulog mo tapos biglang may manggigising sayo!

"Claire, Nathan, kelangan magkayakap pa?!" Huh?! Sino daw?!

Napamulat ako sa narinig ko! Ako at si Nathan magkayakap?! Weh?!

At pagka mulat ng mata ko...

"Kyaaaaa!!! Ang manyak mo talagang Nate ka!!!" Sigaw ko kay Nate at sabay pilit na inalis ung kamay nya! Kaya pala parang ang bigat kasi ung kamay nya nakayapos sakin!

"Ano bang--" naputol ung sinasabi nya kasi nga nakita nyang nakayakap sya sakin.

"Hoy Yoona! Baka ikaw ang yumakap sakin!!!" Sigaw ni Nate sabay alis nung pagkakayakap nya sakin. Buti naman! Jusko! Ang bigat po talaga nung kamay nya!

"Kapag ng face mo Mr. Xi! Excuse me! Ikaw ang nakayakap sakin no!!! Manyak ka!!!" Hinagis ko sa kanya ung kumot ko.

"Wait lang ha! Bago pa magkaroon ng world war infinity bakit ba dito kayo natulog?!" Sabi ni Yuri na inaawat kame! At world war infinity?! Anu bey

"Pano kasi, tong si Nate kinakausap ako kagabi biglang tinulugan naman ako! Inalog ko na sya ng inalog hindi naman magising! Alam nyo ung tulog mantika?! Sya un kasi!!!" Paliwanag ko pero syempre hindi naman totoo ung inalog ko sya, hindi ko naman sya ginising na diba. OA lang! Hihihi

"Hoy babae! Sinong tulog mantika?! Eh wala naman ako naramdaman na inaalog mo ako!"

"Duh! Tulog mantika ka nga eh syempre hindi mo un mararamdaman! Tsk!"

"Ayy! Ewan ko sayo!" Tapos ayun nag walk out ang luko!

"Ewan ko rin sayo!!!" Sigaw ko naman sa kanya! Hahaha! Nakakatuwa naman, pikon din pala tong si Nate eh!

"Ginalit mo boyfriend mo!" Sabi ni Yuri sakin na may kasama pang hampas! Aissh! Medyo nawawala na sa isip kong nagpapanggap kame! Hahaha!

"Heh, hayaan mo sya, napaka pikon talaga nya!"

"Aysos! Halika na nga sa loob at maguumagahan na tayo. Magsorry ka na din kay Nathan!"

"Bakit ko naman gagawin un? Bahala sya" wala naman akong ginagawa bakit ako magsosorry diba? Kasalanan ko bang pikon pala sya!

Ms. Bitch Meets Mr. Baby FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon