Chapter 36 - Sunset

9.7K 171 6
                                    

Chapter 36






Nakarating na kame sa place na sinasabi nya. It's really beautiful. Para syang garden on top of a hill at may view sya ng dagat tapos kitang kita mo talaga yung sunset. Konting oras na lang magsusunset na din.








Amaze na amaze kong nilibot yung place. Pero nung nakita ko ung mukha ni Nate parang nawala yung pagka amaze ko sa place.










Nakakunot kasi ang noo at nya at nakatulala lang. Parang ang lalim ng iniisip nya. Ni hindi nga nito napansin na nakalapit na ako sa kanya eh.






"Is their something wrong?" tanong ko dito. At para naman syang nakakita ng multo sa pagkagitla nya.







"Ha? Ahh, w-wala" umiling iling si Nate atsaka nagpilit ngumiti. "Ano nagustuhan mo ba?" tanong nya sakin. Tumango na lang ako.









Humanap na ako ng magandang pwesto para mapanuod yung sunset. Nilabas ko na din yung phone ko para mapicturan yung sunset.









Para naman wala sa sarili si Nate na umupo sa tabi ko. Malakas ang feeling ko na kaya sya nagkakaganyan dahil dun sa babaeng nasa picture na nakita ko sa wallet nya. Naging girlfriend nya siguro yun?








"Nakakawala naman ng gana manuod ng sunset kung ganito kasama ko" kunware ng naiinis na sabi ko. Tumingin naman ito sakin at nagtama ang mga mata namen.







Hindi ko alam kung tama ba yung nakikita ko pero yung mga mata nya, nag papakita ang mga iyon ng lungkot, pangungulila. Siguro sobrang important nung babae sa kanya.









Bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ng maisip ko na importante nga sa kanya yung babaeng yun. Bakit? Bakit nakakaramdam ako ng sakit? Hindi na talaga tama to.







"A-ayos ka lang?" Nagaalalang tanong nya. Napakurap ako bigla dahil sa tanong nya.







"Oo naman! Ikaw nga ata ang hindi ayos dyan eh" napapout na lang ako bigla. Bigla naman nya pinisil yung pisngi ko. "Aray! Wag mo nga pisilin pisngi mo eh"







"Ang cute mo eh" natatawang sabi nito. Pakiramdam ko biglang uminit at namula buong mukha ko. Yung puso ko bigla na naman tumibok ng mabilis. Pero babawiin nya lang yan! "Oh! Ayan na! Yoona! Lumulubog na yung araw!" tinuro nya yung sunset.








Dahan dahan akong tumingin sa unahan, pero hindi ko maalis yung tingin ko kay Nate. Hindi nya bumawi yung sinabe nya? Baka naman nakalimutan.








"Yoona! Bilisan mo! Ang Ganda!" tuwang tuwa sya sa nakikita nya.









Onga, ang Ganda nga ng sunset. Maganda talaga sya. Hindi ko na ata magagawang picturan kasi ang Ganda. Yung kalangitan, nagco color orange.









"Mag wish ka Yoona. Dali! Matutupad daw yung wish mo pag nag wish ka eh" nakangiti nyang sabi. Ang ngiti nya kasing ganda ng sunset.







"Saan mo naman nakuha yan?" natatawa kong sabi. Isip bata din talaga sya minsan.







"Napakinig ko lang. Basta, mag wish ka na lang!" pag uutos nito. Napakunot naman ako pero sige na nga, wala naman mawawala sakin kung magwiwish ako diba?









Pinikit ko ang mga mata ko at nagwish.










Sana...









Ms. Bitch Meets Mr. Baby FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon