Chapter 62
"Girl! Mukhang magka away nga si Nathan at Claire" Sino ba yung maingay na yun. Hindi ata nila napansin na may tao dito at ang ingay ingay nila.
Pero dahil narinig ko ang pangalan ko at ni Claire hindi ko muna ako magpapakita sa kanila. Pakiramdam ko may dapat ako mapakinggan sa kanila.
"Kaya nga eh. Kaso fail lang ni Clarisse. Kasi magkasama na ulit sila ni Theo ngaun" sabi naman nung isang babae. Clarisse daw?
"I know right! Akala nya ata Kapag napag away nya si Claire at Nathan okay na nakalimutan nya ata si Theo" naguguluhan na ako sa mga sinasabe nila. Pero isa lang ang naintindihan ko, mukhang pakana lahat ng ito ni Clarisse.
"N-Nathan?" sabi naman nung isang babae na mukhang nagitla nung nakita ako. Hindi ko kasi alam kung ano mga pangalan nila. Bale tatlo kasi sila at hindi ko sila kilala sa pangalan. Ang alam ko Lang sila ang mga kaibigan ni Clarisse.
Nagmamadali silang lumabas pero bago pa man din sila makalabas ng pintuan ay agad ko na silang pinigilan. "Subukan nyong lumabas ng pintuang yan at makakarating kay Yoona lahat ng mga narinig ko. Ayaw nyo naman magalit sya sa inyo diba?"
Tumingin sila na halatang natakot sa sinabe ko. Bigla na lang silang tatlo. Napa smirk ako. Takot talaga sila kay Yoona. Pinapunta ko sila sa harapan ko. Nakaupo kasi ako sa bench.
"A-ano ba kelangan mo s-samen?" Tanong nung isang babae na naka pig tail na akala mo naman bata. Takot na takot pa.
"Si Clarisse ba ang nagbigay sakin ng mga pictures na un?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila at hindi magkaintindihan kung sasabihin ba sakin o hindi. Antagal nilang sumagot kaya tatakutin ko na lang ulit sila. "Sasabihin nyo ba sakin o hindi?! Pag hindi nyo sinabe sakin, si Yoona na ang bahala sa inyo. Pero pag sinabe nyo naman sa akin, hindi kayo madadamay"
"Sasabihin na namen basta please Nathan wag mo na kame idamay" Sabe naman nung isang babae. Ano ba pangalan ng mga to. Tss. Wala din naman pala ako balak pang alamin. "Si Clarisse lahat ang may kakagawan kung bakit napapunta sa ibang lugar si Claire. Ung mga pictures naman may hinire si Clarisse para picture-an si Claire at yung lalaking un. Nagkataon kasi na niligtas sya nung lalaki eh kaya naisip na din ni Clarisse pakuhanan ng mga pictures silang dalawa"
"Bakit may nag ligtas kay Claire?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi namen alam Nathan. Totoo un. Ang kwinento Lang nya samen ay may nag ligtas kay Claire. Un lang. Ayaw din nyang sabihin
Si Clarisse pala ang nasa likod ng lahat ng to. Hindi ko hahayaan na sirain pa nya ang relasyon namen dalawa. "Asan si Clarisse?!" Inis na tanong ko sa kanilang tatlo. Hindi na naman agad sila sumagot kaya ung inis ko napaltan na ng galit. "Asan si Clarisse?!!"
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...