Chapter 23 - No More Bet

10.9K 224 19
                                    

Chapter 23


"Good Morning Claire!" Bati sakin ni Terrence habang naggagawa sya ng coffee nya

"Good Morning din" bati ko din sa kanya.

"Oh! Bakit ganyan hitsura mo? Mukha kang zombie? Anong ginawa nyo ni Nathan kagabe ha?" hindi nya kasi ako kita kanina kasi nga diba nagtitimpla sya nung coffee nya.

"Zombie?! Grabe naman ung description mo!" natatawa kong sabi. Grabe naman kasi ung zombie, pero gusto nyo ba malaman kung bakit ako nagkaganito?! Nako! Sisihin nyo yang magaling na si Nate na yan!

*flashback*

Nagising ako nung may nagkumot sakin syempre si Nate na un. Hindi na lang ako nagpahalatang gising ako.

"Your crying days are over Yoona, I'll protect you sa lahat ng taong mananakit sayo" sinabe nya yan at talaga naman nagising na ako ng tuluyan dahil sa narinig ko. Ugh! Anubey naman Nate! Wag ka nga kasing ganyan!

What on earth does that even mean?! Nakakainis na! At talagang nawala ung antok sa sinabe nyang un! Nakakainis!!!

10 minutes...15 minutes...20 minutes...1 hour...2 hours...

Aish! Inugat na ako! Naka isang milyon na ata akong tupa! Naka ilan ikot na ako dito sa kama! Hindi talaga ako makatulog! Konting pikit lang ng mata ko at ung mga sinabe ni Nate eh parang naka repeat at paulit ulit na lang nagplaplay!

*end of flashback*

"Claire? Okay ka lang? Nakakatawa ka naman!" natatawang sabe ni Terrence.

"Ayy, hindi halatang natatawa ka sakin! Aish!"

"Oh, eh bakit nga mukha kang zombie?" Ulit nya sa tanong nya kanina.

"Wala. Dala lang to siguro ng sobrang pagod" pagsisinungaling ko.

"Weh?" grabe! Lumalabas na ung kakulitan ni Terrence! "Asus! Nahiya ka pa sabihin sakin ung nanyare sa inyo kagabe. Ano, magiging Ninong na ba ako?"

Ms. Bitch Meets Mr. Baby FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon