Ayan! Dahil nagtatampo sya sakin dahil hindi daw ako magdededicate sa kanya, dinededicate ko to sa kanya <3 Love yah Lea!
************************
Chapter 10
"Claire"
"Nathan?"
"Oh bakit parang ayoko mo ako makita?" Mejo nag pout pa sya.
Lalaki ba talaga to? Hahaha! I mean ang cute nya kasi talaga eh, ang baby face at masakit mas maganda pa sya saken kung naging babae to!
"Wala akong sinasabi ha! Nathan, pano mo nalaman ung tungkol kina Theo at Clarisse?"
Nag shrug lang sya. Ang saya talaga nito kausap minsan eh
"Nate kasi! Uyy! Ang ganda nun ah! Okay! Nate na tawag ko sayo ha! Wooh!" Tawa lang ako ng tawa dun sya naman wala lang smile lang
"Ahh, ganun? Gusto mo ng tawagan naten?" oops, hindi naman ako nanghahamon diba? Wala naman ako sinabe diba?
"Ha? Oy! Nate ha! Wala akong sinasabe na nanghahamon ako!"
"Oh eh ano yan? Anong tawag mo sakin? Ano? Paki ulit nga?""Nate!" Confident kong sagot not knowing na masama pala ung ganti nya!
"Ah! Ganon? Yoona! Yan! Yan ang itatawag ko sayo! Wahahaha!" Tapos tumawa pa sya ng nakakaloko!
"Hoy! Walang ganyanan! Hindi ako pumapayag no! Kaya hindi mo pwede itawag sakin un!" Nagbelat pa ako sa kanya
Ewan ko ba kung bakit biglang ayoko na ng Yoona pero dati mahal na mahal ko yan pangalan na yan
"Bakit? Pumayag ba ako sa Nate? Hangga't hindi mo binabawi ang nickname mo para sakin na Nate, sorry ka, Yoona na itatawag ko sayo!"
Aissh! I was left with no choices! Why? Kasi ayoko ng Yoona at gusto ko ang Nate! If hindi ako pumayag , he'll call me forever as Yoona pero pag pumayag naman ako, hindi ko sya matatawag na Nate! Eh ang Ganda kaya nga Nate diba?! Aish! This guy is so!!! Ugh! For the sake of my little happiness!
"Fine call me whatever you want! Basta I'll call you Nate!"
"Deal?"
"Deal!" Pagka sabi ko nun bgla na lang nya akong hinagisan ng buhangin! Buti na lang hindi sa may mukha!
"Aiiiissshh!!! Nathan Xi! I hate you!!!"
Para na kaming mga batang ewan na naghahabulan sa may tabing dagat! Pinagtitinginan na kame nung mga ibang nagbabakasyon.
"Ang bagal mo naman YOONA" Aba teka! At talagang inemphasize pa nya ung pangalan kong un ha! Lagot ka talaga sakin ngaun!
Aray! Sabi ko nga minsan may pagka lampa ko buti na lang at buhangin ung pinagbagsakan ko
Opo, nadapa lang naman ako sa paghabol sa lalaking un!
Naiiyak na ako, hindi naman ako na sprain o ano mejo may gasgas lang ng konti sa tuhod, oh no! Mahapdi talaga!
"Claire!" Sigaw ni Nathan habang tumatakbo palapit saken "okay ka lang ba? May sugat ba? Patingin"
Bigla na lang tumulo mga luha ko, hindi ko alam kung bakit
"Bakit ka umiiyak?! Malaki ba sugat mo? Na sprain ka ba? Tsk! Ikaw kasi pahabol habol pa ang lampa naman pala!" Hindi ako makaimik, bakit ba ako naiiyak! Kainis! Ayaw naman tumulo
Namimiss ko lang ung ganto saken si Theo. Un ba ang dahilan kung bakit ako umiiyak?!
"Na-te" bigla naman sya napatawa sakin at pinitik na naman noo ko. Ano ba problema nito? Clown na ako eh tapos palagi pa pinipitik noo ko
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...