Chapter 42
YURI's POV
"Hoy kayong apat!" grabe, wala man lang bang hi muna bestfriend?
Andito kame sa Starbucks ngayon kasi nga nagtext tong si Claire na magkita kita daw kame.
Eeeeh! Sila na ni Nate! Success ung Plano ni Nathan! Hahaha!
"Hi Claire!" bati ni Josh sa babaeng halos umusok na ang ilong sa galit. Asus tong babaeng to, if I know, kilig na kilig yan! Nakooo!
"Wag mo akong mahi hi dyan Josh ha!" High blood lang teh? Uso kumalma!
"Oy, Claire, hindi masamang kumalma ha" sabi ko dito. Inirapan lang nya ako. Sanay na naman ako dyan. Ganyan talaga yan.
"Bakit hindi nyo sinabe sakin?! Ugh! Sobrang wasted ang inabot ko dahil lang sa pag habol dun sa lalaking un tapos hindi pala sya aalis!" Inis na inis nyang sabi. Hahaha! Ayy, Claire, minsan slow ka din eh ano?
"Edi nawala ung surprise pag sinabe namen agad. Sayang naman effort ni Nathan" sabi ko na lamang dito.
"But still! You should have given me a hint!" medyo malakas na sabi nito. Ramdam ko nga eh pinagtitinginan na kame ng mga Tao.
"Calm down Claire okay? Tapos na un eh and besides, nagustuhan mo din naman why bother complaining?" siguro nainis na din si Laureen kaya ayan nagsalita na sya ng ganyan.
We all know how bitch she is pero pag dating samen hindi naman nya un ganun magagawa.
Napangiti ito bigla. Ayy, bipolar. Kinikilig siguro ito! "Hehe. Sabi ko" natatawang umupo ito.
"So mind to tell us what happened sa airport?" sabi ni Laureen.
"Why would I? As if hindi nyo alam. Kalat na kalat na nga ung video. And it would be very impossible if until now hindi nyo pa napapanuod un. And besides, like duh! Kasama kayo sa mga nagplano nun!" Mataray nitong sabi samen.
"Mas kilig kasi pag ikaw ung mag kwekwento" nakapout kong sabi dito.
"Ayoko nga. Nakakatamad magkwento. Wala ako sa mood" sabi nya. Asus. Wala sa mood daw! Pero deep inside kinikilig ka naman!
"Eh pag nakita mo kaya ung palapit, nasa mood ka na kaya?" Napatingin ito sakin na nakakunot ang noo at dahan dahan pang tumingin sa may pintuan ng Starbucks. At Aba! Ang Lola nyo, ang lapad ng ngiti!
Iba talaga pag inlove guys!
"Hey guys!" bati samin ni Nathan.
"Hi bro" bati naman ni Josh at Keidi.
"Hey" bati naman namen ni Laureen.
Umupo ito sa tabi ni Claire at ang Lola nyo! Namumula ng bongga! Jusko, ganyan na sya kababaw pag kinikilig! Kaloka! Katabi pa lang yan ha!
"Babe anong nginingiti mo dyan ha?" Pinopoke poke ni Josh ung balikat ko.
"Eh babe, tingnan mo si Claire. Nangangamatis na sa pula. Kinikilig eh" mahina kong sabi sa kanya. Baka marinig ni Claire eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Bitch Meets Mr. Baby Face
Teen FictionWhat will happen if Mr. Ex meets Ms. Bitch again with her so-called boyfriend Mr. Baby Face? Will there be a 'together again' ending? Or a new 'so-like fairytale love story'? You'll find out if you start reading their story! :3 CURRENTLY BEING EDITE...