Andrea Danae"Kanina ka pa tahimik." pag basag ko sa katahimikan na namumuo samin dalawa ni Xander. Pauwi na kami galing hospital kakatapos ko lang din magpa check up sa ob gyne.
"Xander talk to me, not like this." pag mamakaawa ko sakanya.
Pero wala pa din kibo, tahimik pa rin. Naka tuon lang ang atensyon niya sa daanan pauwi na kami sa bahay namin at simula nung malaman namin yung resulta ganyan na siya walang reaksyon, walang kibo. Pero ramdam na ramdam ko yung tensyon na namamagitan samin.
Napayuko ako, kasalanan ko to eh. Onti onti ng namumuo yung luha sa mata ko onting onti na lang bibigay na papatak na. Pero kailangan kong maging malakas kasi para samin tong mag asawa hindi ako susuko ngayon pa na malayo na narating namin mag asawa.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin pero wala pa din siyang kibo, ni hindi niya pa rin ako kinakausap. Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan samin nagpapakiramdaman kami.
"Xander, please kausapin mo naman ako oh." nanginginig ang boses ko kasi onti na lang iiyak na ko sa harapan niya. Hinawakan ko siya sa kamay pero nilihis niya yun, tinanggal niya yung pagka hawak ko sa kamay niya.
"Bumaba ka na. Papasok na ko sa office." malamig na tugon niya sakin.
"Mag usap naman tayo oh bago ka umalis." pag mamakaawa ko pa.
"Please." dagdag ko pa.
"Andrea I said get out!!" he shouted
"B-bakit ba ayaw mo kong kausapin ha?" cracked voice.
"I don't have time for your bullshits. Madami akong gagawin kaya wag ka ng dumagdag."
Nang makababa na ko ng kotse niya, agad niyang pinatakbo ito ng mabilis. Pag pasok ko sa loob ng bahay namin nanginginig akong napaupo sa sofa.
Bakit sa dinami dami pang pwedeng sakit, bakit ganto pa? Bakit hindi pa ko pwedeng magka anak? Bakit....
Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isip ko at ni iisa hindi ko alam ang mga sagot, natakip ako ng mukha at dun ko binuhos lahat ng frustrations ko, iniyak ko lahat. Kasi ako, kahit ako hindi ko tanggap na hindi kami magkaka anak ni Xander. Ang tagal tagal namin inantay magkaroon ng isang pamilya yung pangrap namin na magkakaroon kami ng isang masayang pamilya mawawala lang ng isang iglap ng parang bula...
Pero hindi ako susuko, alam kong nasasaktan lang din si Xander kaya siya ganun kanina alam ko balang araw matatanggap din niya. Kailangan lang namin magusap.
Lumipas ang oras at nakapag luto na din akong dinner namin dalawa ni Xander. Aantayin ko na lang siya baka nag over time lang siya sa office niya.
Dahil sobrang hirap naman talagang maging CEO ng isang company, lalo na't very successful. Five star hotels ang hawak ni Xander at sikat ito sa buong mundo, kaya naiintindihan ko na very hectic ang schedule niya pero kahit naman papaano nagagawan pa rin naman namin ng time ang isa't-isa. May times pa nga na kailangan niyang lumilad pa ibang bansa para icheck yung ibang branches ng hotels. Mas sikat nga lang ang hotels ng pamilyang Anderson sa United States.
Ako naman, isa akong model. Victoria secret model ako kaso pinatigil ako ni Xander dahil daw masyadong revealing. Pumayag naman ako dahil mahal ko siya at handa kong isakripisyo lahat kahit pa kaligayahan ko.
Kaya lang medyo nakaka lungkot nga lang na hindi kami masyadong nagka intindihan kaninang umaga, pero alam ko naman na maayos namin tong problema namin mag asawa.
Lumipas ulit ang oras, lumalamig na yung mga pagkain na niluto ko pero hindi pa din umuuwi si Xander, pasado alas dos na ng umaga at wala pa siya. Tinatawagan ko pero hindi niya sinasagot minsan pinapatayan niya pa ko ng phone.
Nagising na lang ako ng may parang may kumakaluskos, naka tulog ako kaka antay kay Xander at pagtingin ko sa orasan namin alas tres na pala ng madaling araw. Pag tingin ko sa may pintuan nakita ko si Xander na gumagewang gewang agad akong napatayo at nilapitan siya.
"San ka galing Xander? Alam mo bang kanina pa ko nag aantay sayo?!" may halong inis ang boses ko.
"Pwede ba Andrea? Wag mo nga akong bungangaan?! Pagod na ko." bulyaw niya sakin, napaigtad naman ako sa gulat.
"S-sorry.. nag alala lang naman ako sayo eh." napayuko ako, kasalanan ko naman kasi kung bakit ba binungangaan ko agad siya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya.
Pero hindi niya sinagot, bagkus dumiretso lang siya sa hagdanan pero gumegewang gewang nilapitan ko naman agad siya at amoy na amoy ko yung alak.
"Uminom ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na oo.
"Wala kang pakialam! Bitawan mo ko!" sagi niya sakin at dirediretsobg umakyat sa kwarto namin.
Wala na kong magawa kung hindi ang umiyak na lang. Pero hindi ako basta basta mapapagod. Pinahiran ko yung luha ko at agad agad sumunod patungo ng kwarto namin ni Xander.
Nakita ko siyang naka higa na sa kama, naka suot pa rin ang tuxedo niya at sapatos niya. Kaya lumapit ako at isa isa tong tinanggal at pinalitan siya ng damit.
"Goodnight babe. I love you so much." I kissed him on the lips at tsaka tumabi sakanya.
I silently pray na sana maging okay na, sana pag gising ko kagaya na ulit kami ng dati ng asawa ko....
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...