Alexander Liam
It was pass 3 in the morning at andito pa rin ako sa bar ni Luke, kagabi hindi ako umuwi dahil nawawalan ako ng gana kay Andrea puro na lang kadramahan wala ng ginawa kung hindi ang mag away kami araw-araw nakaka sawa na tssss..
"Dude I think you should go home na." sabi ni Eugene sakin habang tinatapik tapik yung balikat ko.
"Tumawag samin si Andrea tinatanong niya kung kasama ka ba namin sabi namin oo." this time si Matt naman ang nagsalita.
Hindi ako kumibo, patuloy pa rin akong umiinom ng alak. Ayokong umuwi dahil for sure mag aaway nanaman kami ni Andrea. At ayoko ng marinig ang kadramahan niya sa
buhay."Pre nag aalala yung asawa mo, umiiyak nga sa phone habang kausap namin." si Redene naman ang nagsalita pero hindi ko pa din sila kinikibo.
"Please dude. Go home now. Tama na ang paginom." Luke said.
"Ayokong umuwi! Tigilan niyo ko!" inis na inis kong sabi.
"Dude sa ayaw at gusto mo man you have to go home dahil may asawang nag aalala sayo." ramdam ko na din ang inis sa boses ni Matt.
Asawa? I chuckled dahil wala naman na kong asawa hindi ko na ramdam na meron pa akong asawa dahil sawa at pagod na ko sakanya.
Hindi na nila ako pinilit at nanahimik na lang sila sa tabi ko, I looked at them at pag tingin ko sa mukha nila halatang naiinis na sila sakin, para bang gusto na nilang sapakin ako.
"Xander, walang problema ang hindi napaguusapan. Kailangan niyo lang magusap ni Ands." mahinahong sabi sakin ni Matt.
Umiling iling ako dahil ayoko ng makipagusap pa, mapapagod lang ako.
"Babaan mo din kasi yang pride mo pare!!" singhal ni Eugene.
Alam ko naman na mahal din nila si Andrea bilang kaibigan at ramdam ko din nag aalala sila dito. Pero hindi naman ako nag aalala kay Andrea ano bang problema nila?
"Dahil lang sa natapakan ang ego mo kinakawawa mo na ang asawa mo! Eto lang masasabi ko sayo Xander pag napagod yan wala ka ng babalikan. Kapag iniwan ka na nyan tsaka ka magsisi, believe me I'd been there for the past few years." burst out ni Eugene.
"At ngayon pinagsisihan ko yun, sobra sobra... tsaka mo lang marerealize kung kailan wala na sayo..." dagdag pa niya.
Tumayo na ako at naglakad na patungo sa labasan ng VIP Lounge.
"Don't let pride ruin everything. Ingat ka pre." dagdag ni Matt.
Maayos naman akong nakauwi sa bahay kahit pa medyo lasing na ko. At pag bukas ko ng pinto akmang malalaglag na ko pero may sumalo sakin. Si Andrea. Ngumisi ako sakanya halatang kakagaling lang sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
RomanceGinawa mo naman lahat.Binigay at nilaan lahat para sakanya. Yung oras mo, yung pagmamahal mo, binigay mo lahat sakanya wala ka na ngang tinira para sa sarili mo eh. Pero bakit ganun? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? May kulang ba? Hindi pa...